PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame at PEP.ph, biktima ng fake news

Willie Revillame, di totoong endorser ng gamot sa prostatitis.
by Jojo Gabinete
Published Aug 2, 2022
willie revillame fake news
Willie Revillame and PEP.ph clarify that an article alleging that the TV host is endorsing a drug for prostatitis was never published on this website.

Biktima ng fake news ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at si Willie Revillame dahil ginamit ito sa artikulo tungkol sa Vitaman, isang uri ng gamot para sa prostatitis o prostate inflammation.

Lantaran at buong kapangahasang ginamit sa advertorial article ang logo ng PEP.ph, ang pangalan ng awtor na ito, at pinalabas na celebrity endorser ng produkto si Willie para makapanlinlang ng mga tao.

May headline ang artikulo na "Willie Revillame: Pinagaling ko ang prostatitis sa loob ng 2 linggo at ngayon ay nasisiyahan sa regular na pakikipagtalik sa aking batang asawa.Ibinahagi ko ang aking sikreto."

willie revillame fake news

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Screen grab ng pekeng artikulo na nag-eendorso ng isang vitamin

Nais iparating ni Willie at ng PEP.ph sa lahat na walang katotohanan o fake news ang lumabas na artikulong may layunin na manloko ng kapwa.

Ikinagulat ni Willie ang advertorial article na malinaw na fake news dahil walang karamdaman sa prostate ang host ng Wowowin: Tutok To Win.

Kailanman, hindi rin naglabas ang PEP.ph at ang awtor na ito ng report tungkol sa kapsula na isinusulong ng mga taong may masamang motibo, base sa artikulo na kanilang ikinalat.

Nais ng PEP.ph na bigyang-babala ang publiko tungkol sa fake advertorial article para hindi sila maging biktima ng disinformation at mga pekeng balita.

Isinangguni na ng PEP.ph sa legal counsel nito ang isyu ng panggagamit at panlilinlang ng pasimuno ng naglabas ng artikulo para mahinto na ang pagkalat nito.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame and PEP.ph clarify that an article alleging that the TV host is endorsing a drug for prostatitis was never published on this website.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results