PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Story about iconic line of Cherie Gil in Bituing Walang Ningning

Sharon Cuneta, inilihim ang pagbubuntis nang syinut ang Bituing Walang Ningning.
by Jojo Gabinete
Published Aug 7, 2022
Cherie Gil, Sharon Cuneta
Cherie Gil, muntik magdemanda nang dahil sa iconic line niyang, "You're nothing but a second-rate trying hard copycat!" Sharon Cuneta inilihim ang pagbubuntis nang sinu-shooting ang Bituing Walang Ningning noong 1984.
PHOTO/S: Screengrab from Bituing Walang Ningning

Ang pagpanaw ni Cherie Gil noong August 5, 2022 ang isang dahilan kaya nabuhay ang interes ng publiko na muling panoorin ang Bituing Walang Ningning.

Ang Bituing Walang Ningning ang 1985 hit movie ng Viva Films—na may running time na 2:06:54—na pinagbidahan nina Cherie, Christopher de Leon, at Sharon Cuneta.

Kilala rito si Cherie sa magaling niyang pagganap bilang kontrabida, at walang kamatayang linya niya na, “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!”

Nagmarka ito nang husto sa isip ng manonood, pero may mga malulutong siya na ibang mga linya na matatandaan tulad ng “Nobody snubs me, you’ll never make it… Hindi ako natatakot, hindi ako hihinto, hindi ako susuko… That trash, mahal mo ang isang basura na pulot lang sa lansangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinunan ang iconic scene ni Cherie na “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat” sa Patio Esperanza sa Tomas Morato, Quezon City. Mas kilala na ngayon ang naturang restaurant, na itinayo mula pa noong 1998, bilang Annabel’s Restaurant.

Ang Metropolitan Theater naman ang venue ng finale scene ng pelikula na nagpaiyak sa manonood at nagpakita ng effortless na “paglamon” ni Cherie kay Sharon habang kinakanta niya ang lyrics na “Mga bituin, aking narating” mula sa original sound track ng kanilang pelikula.

SHARON’S PREGNANCY

Buntis kay KC Concepcion si Sharon nang gawin nito ang Bituing Walang Ningning noong 1984.

At para maitago ang paglaki ng tiyan ng Megastar, long shot at half-body shot ang mga anggulo ng kamera sa mga eksena niya.

Marami ang mga eksena na natatakpan ang tiyan ni Sharon ng mga libro, bulaklak, lampshade, at piano para hindi mahalata ang kanyang pagbubuntis.

Pitong buwan na ang pagdadalang-tao ni Sharon nang ipalabas sa mga sinehan ang Bituing Walang Ningning noong February 14, 1985 dahil ang pelikula ang Valentine’s Day offering ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

April 7, 1985 nang isilang ni Sharon ang nag-iisang anak nila ni Gabby Concepcion na si KC.

Tatlumpu’t pitong taon na ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang Bituing Walang Ningning, pero hindi ito kinasasawaan na panoorin ng mga Pinoy.

Mapapanood ang restored at clear version ng Bituing Walang Ningning sa Vivamax, ang streaming platform ng Viva Entertainment na naglalaman ng classic at award-winning Tagalog films at hindi lamang mga sexy movie.

At nang mamatay si Cherie, lalong pinuri ng mga tao ang mahusay na pagganap niya sa karakter ni Lavinia Arguelles.

Makikita at mababasa ngayon sa iba’t ibang mga social media platform ang mga positibo na komento ng mga Pilipino ukol dito.

Sharon Cuneta, Cherie Gil, Bituing Walang Ningning

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE CONTROVERSIAL LINE

Once again, naging bukambibig ang linya ni Cherie sa pelikula na “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!” na nagkaroon ng kontrobersya dahil sa kanyang banta noon na magsasampa siya ng demanda.

Si Atty. Lorna Kapunan ang legal counsel ni Cherie, at nais ng aktres na ipagbawal na gamitin ang iconic line niya sa musical version ng Bituing Walang Ningning.

Noong June 19, 2015, nakatanggap ng Cease and Desist letter mula kay Atty. Lorna Kapunan ang Viva Films at ang management ng Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Nakasaad dito na “intellectual property” diumano ni Cherie ang iconic line na iyon.

Noong June 22, 2015, nakausap ng Cabinet Files ang director ng Bituing Walang Ningning na si Emmanuel H.Borlaza (November 5, 1935-October 11, 2017).

Sinabi noon ni Borlaza na hindi puwedeng akuin ni Cherie na ito ang nagmamay-ari ng classic line mula sa kanilang pelikula dahil siya ang may idea ng nabanggit na salita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit ilibing nila ako bukas ng buhay, ‘yon ang katotohanan,” ang pahayag noon ni Borlaza sa Cabinet Files.

Nanindigan si Borlaza na nanggaling sa kanya ang linya na inaangkin ni Cherie, pero si Orlando Nadres ang sumulat ng screenplay ng Bituing Walang Ningning.

Nagbitaw ng salita si Borlaza na handa siya na tumestigo kung sakaling matuloy ang pagsasampa ni Cherie ng kaso laban sa mga producer ng Bituing Ningning, The Musical, dahil pawang katotohanan lamang daw ang kanyang sasabihin.

Pero kusang namatay ang isyu kaya hindi na humantong sa korte ang usapin.

Postscript. Nagkaroon ng surge o nadagdagan ang viewership ng Bituing Walang Ningning sa Vivamax na epekto ng pagpanaw ni Cherie sa edad na 59.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherie Gil, muntik magdemanda nang dahil sa iconic line niyang, "You're nothing but a second-rate trying hard copycat!" Sharon Cuneta inilihim ang pagbubuntis nang sinu-shooting ang Bituing Walang Ningning noong 1984.
PHOTO/S: Screengrab from Bituing Walang Ningning
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results