PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Smokey Manaloto nilinaw ang kanyang tunay na edad: "51 na po ako."

Smokey Manaloto, first-time dad sa edad na 51!
by Jojo Gabinete
Published Aug 12, 2022
smokey manaloto age
Smokey Manaloto: “Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa Internet ay 44, 51 na po ako. Kahit na gustuhin ko man… baka magalit sa akin ang mga netizens.”
PHOTO/S: @smokey_manaloto on Instagram

May paglilinaw ang comedian na si Smokey Manaloto sa kanyang tunay na edad dahil mali ang mga lumabas na balitang naging ama siya sa gulang na 44.

Read: Smokey Manaloto becomes first-time dad at 44: "Akala ko nga huli na. Hindi pa pala!"

Hindi dapat pagkatiwalaan ang lahat ng mga impormasyong nakalagay sa Internet, partikular na ang Wikipedia, dahil lumilitaw na ito ang ginamit na basehan na edad ni Smokey, kaya puwedeng magprotesta ang mga dating kasamahan niya sa ‘80’s youth-oriented program na That’s Entertainment.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post kahapon, August 11, 2022, itinuwid ni Smokey ang maling akala na 44 years old lamang siya.

“Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa Internet ay 44, 51 na po ako. Kahit na gustuhin ko man… baka magalit sa akin ang mga netizens,” natatawang paglilinaw ni Smokey.

Ayaw ng aktor na maging ugat ng hindi pagkakaunawaan ang maling edad niya na hindi dumaan sa fact-checking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Higit na nadagdagan ang mga natuwa para kay Smokey dahil naging ganap na ama siya sa gulang na 51, at hindi sa mas batang edad na 44.

Napatunayan ni Smokey na may pag-asa pang magkaroon ng anak ang kanyang mga kaedad na kalalakihan.

Hindi rin totoong huli na siya sa biyahe kaya nagbitaw ng salita ang komedyante na, “Akala ko nga, huli na. Hindi pa pala.

Isinilang ang anak na lalake ni Smokey at ng kanyang karelasyon noong August 4. Kiko ang ibinigay na pangalan nila sa kanilang anak.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Smokey Manaloto: “Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa Internet ay 44, 51 na po ako. Kahit na gustuhin ko man… baka magalit sa akin ang mga netizens.”
PHOTO/S: @smokey_manaloto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results