Ghost month ang Agosto para sa mga naniniwala sa pamahiin, pero tila masuwerte ang nabanggit na buwan kay Jerald Napoles at sa kanyang girlfriend na si Kim Molina.
August 13, 2021 nang mag-umpisa ang streaming ng Ikaw at Ako at ang Ending sa Vivamax.
Ang drama love story movie na pinagbibidahan nina Jerald at Kim ay naging certified blockbuster at dahilan kaya nawala noon sa number one position o top content ang pelikula ni Sharon Cuneta na Revirginized.
Tuwang-tuwa sina Jerald at Kim dahil tinangkilik ng manonood ang Ikaw at Ako at ang Ending sa Vivamax.
At naulit ang kanilang kaligayahan nang magsimula noong August 12, 2022 ang streaming sa Netflix ng kanilang pelikula na may English title na You and Me and The Ending, na Number 2 ngayon sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines kaya lubos ang pasasalamat nila nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Linggo ng tanghali, August 14, 2022.
"First of all, maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga project namin ni Kim both as a partner and individually.
“Masayang-masaya kami dahil naniniwala ang aming mga supporter sa mga kaya namin na gawin.
"In just two days, nag-Number 2 ang Ikaw at Ako at ang Ending sa Netflix, meaning to say na nag- aabang talaga sila at talagang gusto ng mga tao na manood.
“Pero ang pinakamasaya sa puso ay yung kahit hindi usual gaguhan o kulitan ang genre ng pelikula namin, e, gustong-gusto pa rin nila kaya nakakataba sa puso ang respeto at recognition na ibinibigay nila sa aming craft at passion sa pag-arte,” ang pasasalamat ni Jerald na ipinaalaala ang mga parangal mula sa ibang bansa na natanggap ng pelikula nila ni Kim.
“This movie has received a lot of recognitions already. Para sa kaalaman ng lahat, kasama ang Ikaw at Ako at Ang Ending sa 17th Osaka Asian International Film Festival this year at nakakuha rin ng awards sa FACINE International Film Festival San Francisco, California.
"Sana marami pa ang mapuntahan ang pelikulang ito at sana marami pa kaming magawa na pelikula para sa aming avid followers and supporters! Actually may mga nakasalang na, abangan!”
Ipinararating din ni Kim ang taos-puso na pasasalamat sa lahat ng mga nanood at patuloy na nanonood sa Netflix ng love story movie nila ni Jerald.
Aniya, "We were very excited for everyone to see it when we’re first released on Vivamax at ngayon po sa Netflix na rin.
“Super happy ako na nagustuhan po ng mga tao ang aming pelikula to think na it’s a different take on me and Jerald as actors.
"A story that is way beyond what people usually see us do. I am grateful for this opportunity to work with the team, and it will forever remain as one of my favorite movies as an actress, to date.
"Next week, me and Jerald are off to shoot another movie. Abang-abang po sa announcements on our socials and hopefully we can share the details to everyone na real soon!”