PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hollywood actress Anne Heche, tinanggalan na ng life support

Organs ni Anne Heche, idu-dunate sa multiple donors.
by Jojo Gabinete
Published Aug 15, 2022
anne heche ellen degeneres
Anne Heche on previous relationship with TV host Ellen DeGeneres: “I broke up with her because her goal was to have a lot of money. Mine was to find love and hers was 'I want $60 billion.'”
PHOTO/S: @anneheche on Instagram / Page6

Nakahanap na ang health officials ng mga tatanggap ng multiple organs ng 53-year-old Hollywood actress na si Anne Heche kaya inalis na ito sa life support machine nitong Linggo ng gabi, August 14, 2022 (Lunes ng umaga, August 15, 2022).

Idineklara siyang brain dead noong Biyernes, August 12, 2022.

Hindi na nagkaroon ng malay si Anne mula nang bumangga ang kanyang minamanehong sasakyan sa isang bahay sa Mar Vista, Los Angeles, California, noong August 5.

Nasunog ang bahay nang sumabog at mag-apoy ang sasakyan ni Anne na nagdulot sa aktres ng lapnos na katawan at severe anoxic brain injury. Napinsala rin ang kanyang baga dahil sa usok ng apoy na nalanghap niya.

Idineklarang brain-dead si Anne sa Grossman Burn Center noong Biyernes, pero nilagyan siya ng life support machine para mapangalagaan ang kanyang multiple organs na gusto niyang ibigay bilang donasyon sa mga nangangailangan.

Kinumpirma ng representative ni Anne na naging mapayapa ang pag-aalis sa kanya sa life support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang ang TV host na si Elle DeGeneres sa mga nagdalamhati at nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Anne.

"This is a sad day. I’m sending Anne’s children, family and friends all of my love," tweet ni Ellen noong August 12.

Ang Donnie Brasco, Volcano, Six Days Seven Nights, at Return to Paradise ang ilan sa mga sikat na pelikulang ginawa ni Anne bago ito naging blacklisted dahil sa pagpatol sa kapwa babae.

Nakatakdang maging big star sa Hollywood si Anne noong dekada ’90 pero nawala sa kanya ang malalaking oportunidad nang makipagrelasyon siya kay Ellen dahil hindi pa tanggap noon ang same-sex relationship.

Nakaapekto sa career ni Anne ang pakikipagrelasyon niya kay Ellen mula 1997 hanggang 2000 dahil nawalan siya ng mga proyekto, pero sila ang kinilala bilang kauna-unahang openly gay couple sa Hollywood.

Sa isang panayam kay Anne, sinabi niyang humantong sa paghihiwalay ang pagmamahalan nila ni Ellen dahil magkaiba ang kanilang mga pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I broke up with her because her goal was to have a lot of money. Mine was to find love and hers was 'I want $60 billion,'” pahayag noon ni Anne tungkol sa nagwakas na relasyon nila ni Ellen.

Noong 2001, naglabas si Anne ng biography book, ang Call Me Crazy.

anne heche book

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito niya isinapublikong biktima siya ng panggagahasa ng kanyang closeted gay father na namatay dahil sa AIDS.

Ipinagtapat din ni Heche ang pagkakaroon niya ng mental health issues.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Heche on previous relationship with TV host Ellen DeGeneres: “I broke up with her because her goal was to have a lot of money. Mine was to find love and hers was 'I want $60 billion.'”
PHOTO/S: @anneheche on Instagram / Page6
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results