Inilabas na ng Fox Entertainment ang trailer ng multigenerational musical drama na Monarch.
Kahit isa lamang ang eksena ni Iñigo Pascual na ipinakita, may mararamdamang pagmamalaki ang mga Pilipino sa partisipasyon niya sa multigenerational musical drama na pinangungunahan ng Academy Award-winner na si Susan Sarandon.
Bahagi ng main cast si Iñigo at importante ang kanyang karakter sa programang tinagurian ng Fox Entertainment bilang "television’s most anticipated drama."
Ang Monarch ang biggest international break ni Iñigo, na naunahan pa ang kanyang ama na si Piolo Pascual na magkaroon ng malaking proyekto sa Hollywood.
Read: Inigo Pascual to co-star with Oscar winner Susan Sarandon in Fox musical drama Monarch
Adopted grandson ng karakter ni Susan ang role ni Iñigo sa Monarch, nag-umpisa ang taping ng cast sa Atlanta, Georgia noong September 13, 2021 at natapos ng March 31, 2022.
Umuwi si Iñigo sa Pilipinas noong May 2022 para magbakasyon.
Sa YouTube vlog interview ni Dra. Vicki Belo, ikinuwento niyang isang Filipino character ang kanyang role sa Monarch.
“In a way, I’m kind of representing the Philippines. I’m playing a Filipino character.
"It just feels good to be able to do that, to be able to represent the Philippines and to be able to share my music through this project as well,” may pagmamalaking pahayag ni Iñigo.
Hindi natuloy ang planong ipalabas ang Monarch noong January 30, 2022 dahil sa coronavirus pandemic, reshoot ng mga eksena, at promotional campaign kaya inilipat sa September 11 ang petsa ng television airing.
Magdiriwang si Iñigo ng 25th birthday sa September 14 at ang telecast ng Monarch sa September 11 ang isa sa mga maagang regalo na matatanggap niya para sa kanyang kaarawan.