PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isabel Preysler's daughter Tamara Falco star in Netflix series

Si Isabel Preysler ay ina ng singer na si Enrique Iglesias.
by Jojo Gabinete
Published Aug 21, 2022
isabel preysler tamara falco
Tamara Falco on mom Isabel Preysler: “She’s afraid for me because she’s Asian. My mother is just like my grandmother. Both mastered the art of being impassive. I remember reading loads of articles about her saying, ‘You never know what she's thinking.’"
PHOTO/S: Instagram

May sarili nang Netflix series si Tamara Isabel Preysler Falco, La Marqueza, ang 40-year-old Spanish aristocrat at TV host na anak ng Spanish-Filipino socialite na si Isabel Preysler.

Si Isabel ay ex-wife ng popular singer na si Julio Iglesias.

julio iglesias isabel preysler

Julio Iglesias and Isabel Preysler

Bukod sa pagiging sikat na celebrity sa Spain, 6th Marchioness of Griñón ang titulo ni Tamara na ipinagkaloob sa kanya ng ama niyang si Carlos Falco, ang Marquess of Griñón na pumanaw noong March 20, 2020 dahil sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carlos ang pangalawang asawa ni Isabel, at si Tamara ang kanilang nag-iisang anak na babae.

Hindi lamang sosyal sa mga pictorial at social media posts si Tamara dahil sosyal at mayaman siya sa tunay na buhay, salita, at gawa.

Lady Tamara ang pamagat ng Netflix reality series ni Tamara. May anim itong episodes na nagpapakita sa kanyang makulay na buhay bilang sikat sa celebrity at influencer sa Spain.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pagkakaroon ni Tamara ng dugong Pilipino ang isa sa mga dahilan para panoorin ng mga kababayan natin ang Netflix series na tinatampukan niya.

Hindi marunong magsalita ng Tagalog si Tamara pero taglay niya ang ilan sa mga ugali ng isang Pilipino tulad ng pagiging madasalin, ang malalim na debosyon niya kay Blessed Virgin Mary, at pagkakaroon ng mababang-kalooban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang palasyo ang ipinamana ni Carlos kay Tamara na ginawa nitong isang "pop-up restaurant" para mabuhay ang alaala ng kanyang pumanaw na ama at upang magamit niya ang pagiging chef.

Sa Episode 5 ng Lady Tamara, ikinuwento ni Tamara na masyadong Asian ang nanay niyang si Isabel dahil hindi ito nagsasalita tungkol sa restaurant na kanyang bubuksan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She’s afraid for me because she’s Asian. My mother is just like my grandmother. Both mastered the art of being impassive.

“I remember reading loads of articles about her saying, ‘You never know what she's thinking.’

“We’re completely different in that sense because you always know what I’m thinking,” sabi niya.

Sa mga hindi nakakakilala kay Isabel, isinilang siya sa Maynila noong February 18, 1951. Nag-aral siya sa Assumption College sa Makati City mula Grade 5 hanggang high school.

Noon pa man, taglay na ni Isabel ang pambihirang kagandahan kaya popular siya sa kanilang eskuwelahan at sa mga kalalakihan.

Hanggang ngayon, isa si Isabel sa mga hinahangaan at iginagalang na babae sa Spain dahil itinuturing siyang international icon ng elegance, style, at kagandahan.

Labing-anim na taon ang edad ni Isabel nang lumipat ito sa Madrid, Spain.

Dito na nag-umpisa ang kanyang career bilang journalist hanggang makilala niya si Julio Iglesias. Ikinasal ang dalawa noong January 1971 at nag-diborsyo noong 1979.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

julio iglesias isabel preysler

Tatlo ang anak nina Isabel at Julio—si Maria Isabel at ang mga popular singer na sina Julio Jr. at Enrique.

Kapatid sa ina nina Julio at Enrique si Tamara at maipagmamalaki ang tatlo bilang mga anak ng isang Pilipina.

isabel preysler enrique iglesias

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang episode ng Lady Tamara, sinabi ni Tamara na si Enrique ang ugly duckling sa kanilang pamilya kaya hindi siya makapaniwalang magiging guwapo at magkakaroon ng mga tagahanga ang kanyang kapatid na sumikat at naging international singer.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tamara Falco on mom Isabel Preysler: “She’s afraid for me because she’s Asian. My mother is just like my grandmother. Both mastered the art of being impassive. I remember reading loads of articles about her saying, ‘You never know what she's thinking.’"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results