PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regal Films on rumored TV remake of Batang Quiapo

Batang Quiapo, gagawan ng TV remake ni Coco Martin?
by Jojo Gabinete
Published Aug 24, 2022
coco martin batang quiapo
Bagamat kalat na kalat na ang balitang ang TV remake ng Batang Quiapo ang next project ni Coco Martin sa ABS-CBN, nilinaw ng Regal Films na wala pang nakikipag-usap sa kanila para sa pagtetelebisyon ng pelikulang pinagbidahan noon nina Fernando Poe Jr. at Maricel Soriano.
PHOTO/S: @cocomartin_ph on Instagram / Regal Films

Kalat na ang balitang ang TV remake ng Batang Quiapo ang susunod na proyekto ni Coco Martin matapos magwakas ang FPJ's Ang Probinsyano, noong August 12, 2022.

Tumagal ng halos pitong taon ang primetime action-drama series ni Coco sa ABS-CBN.

Read: Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon

Ang Batang Quiapo ang 1986 blockbuster movie ni Maricel Soriano at ni Fernando Poe Jr., ang King of Philippine Movies na namayapa noong December 14, 2004.

Ang Regal Films ni Mother Lily Monteverde ang producer ng Batang Quiapo na ipinalabas sa mga sinehan noong October 16, 1986.

batang quiapo poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puro mga haka-haka lamang ang mga balitang gagawin ni Coco para sa telebisyon ang Batang Quiapo dahil walang pormal na negosasyon na nangyayari at walang nakikipag-usap sa mga executive ng Regal Films, ang nagmamay-ari ng karapatan sa pelikula nina Maricel at FPJ.

Sinabi ni Regal Entertainment Chief Operating Officer at Vice President Roselle Monteverde sa Cabinet Files na nakarating sa kanya ang mga balitang ang Batang Quiapo ang nakalinyang proyekto ni Coco.

Pero ayon kay Roselle, hindi pa lumalapit o nakikipag-usap sa kanila ang kampo ng aktor o ang mga executive ng ABS-CBN para sa pagsasalin sa telebisyon ng hit movie nila noong 1986.

“Hindi pa kumpirmado. Walang pormal na negosasyon,” pahayag ni Roselle tungkol sa isyu.

“Saka na-clear ko kay Tita Susan [Roces] even before. It’s not FPJ Productions kaya kailangan sa Regal magpapaalam kung gagawin ni Coco ang Batang Quiapo.”

Marami ang naniniwalang ang Batang Quiapo ang tamang proyekto na dapat isunod ni Coco sa Ang Probinsyano dahil isa ito sa mga hindi makakalimutanng pelikula ni FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Libre, malinaw na napanood, at milyun-milyon ang views ng Batang Quiapo nang ipalabas ito sa YouTube channel ng Regal Entertainment Inc.

Bukod sa Batang Quiapo, matutunghayan din sa Regal YouTube channel ang ‘80s movies tulad ng Underage, Problem Child, Inday Inday sa Balitaw, at marami pang iba.

Si Joey Reyes ang sumulat ng screenplay ng Problem Child at Inday, Inday sa Balitaw na magpapatunay na ahead of his time siya.

Mga salitang palasak ngayon sa mga kabataan ang mga linyang isinulat noon ni Joey para sa mga nabanggit na pelikula.

Isang halimbawa ang salitang "madlang-pipol" na bukambibig ng mga host ng It’s Showtime.

Pero una itong ginamit ni Joey sa Inday, Inday sa Balitaw, ang comedy movie ng Regal Films na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Susan Roces, Eddie Gutierrez, William Martinez, Matet de Leon, at Roderick Paulate na napanood sa mga sinehan noong August 28, 1986.

inday inday sa balitaw poster

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat kalat na kalat na ang balitang ang TV remake ng Batang Quiapo ang next project ni Coco Martin sa ABS-CBN, nilinaw ng Regal Films na wala pang nakikipag-usap sa kanila para sa pagtetelebisyon ng pelikulang pinagbidahan noon nina Fernando Poe Jr. at Maricel Soriano.
PHOTO/S: @cocomartin_ph on Instagram / Regal Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results