Watch Now

Ai-Ai delas Alas, ibinunyag ang "secret life" niya sa Amerika

by Jojo Gabinete
Aug 26, 2022
ai-ai delas alas
Ai-Ai delas Alas: “May secret life ako na ngayon ko lang ire-reveal. Dati, ayokong sabihin kasi gusto ko may itinatago ako para sa sarili ko, pero hindi naman talaga maililihim. Lalabas at lalabas din.”
PHOTO/S: APCA / @msaiaidelasalas on Instagram

Bumalik ng Pilipinas si Ai-Ai delas Alas noong Lunes, August 22, 2022, para sa contract signing niya bilang celebrity ambassador ng Academy of Pastry and Culinary Arts (APCA) ng Treston International College sa Taguig City.

Nag-aral si Ai-Ai ng pastry making noong September 2021 sa naturang paaralan na may mga branch sa Singapore, Malaysia, India, at Indonesia.

Ang APCA owner na si Chef Niklesh Sharma ang kumuha sa dating estudyante niya bilang celebrity ambassador.

ai-ai delas alas apca contract signing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa si Ai-Ai dahil malaking karangalang maging kinatawan siya ng paaralan na malaki ang naituro sa kanya dahil sa mga made-to-order cake na ginagawa niya at paborito ng ilang mga kababayan natin sa Amerika.

Pero pansamantalang itinigil ni Ai-Ai ang paggawa ng mga cake, pastries, at pandesal dahil sa kanyang “secret life” sa California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat niya ito sa APCA contract signing na naganap noong Huwebes, August 25.

“May secret life ako na ngayon ko lang ire-reveal. Dati, ayokong sabihin kasi gusto ko may itinatago ako para sa sarili ko, pero hindi naman talaga maililihim. Lalabas at lalabas din,” nakangiting pahayag ni Ai-Ai.

“Isa po sa reason kaya hindi ako makagawa ng pandesal, itinigil ko muna yung paggawa ko ng breads and cakes, kasi isa na po akong activity director ngayon ng isang facility.

“Kakapasa ko lang ng exam at ng training. Parang napakaganda ng pakiramdam kasi yung remaining days ng mga residente sa facility na matatanda at mga senior, napapasaya ko sila.

“Dati, assistant pa lang ako pero nagpapaandar na ako. Nagbi-bingo para sa kanila.

“Kunwari, may mga topak ang residente, sinasayawan ko sila. Nag-iisip ako ng activities na puwedeng makapagpasaya sa kanila.

“Natutuwa nga sila sa akin noong pumasok ako. Nagtatanong sila, ‘Who’s that girl?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi halimbawa, may coffee party kami, may music ako tapos kapag pumapasok ako, sumasayaw ako. Pinapaandaran ko ang mga residente.

"Natatawa sila. Nagtatanong sila, ‘Who are you? What’s your name?”

Naging ganap na activity director si Ai-Ai ng facility na kanyang pinaglilingkuran dahil nakapasa siya sa online exams na kinuha niya habang sakay ng eroplano na pabalik sa Pilipinas noong Linggo, August 21.

Para kay Ai-Ai, hindi degrading sa kanyang celebrity status sa Pilipinas ang trabaho bilang activity director dahil marami ang napaliligaya niya.

Saad niya, “Hindi siya degrading. Actually, it’s a noble work dahil ang ginagawa ko, pasayahin ang remaining days ng mga senior.

“Kumbaga, yung remaining days na malungkot sila, nagiging masaya sila.”

Bukod sa pagiging ambassador ng APCA, isang sorpresa ang natanggap ni Ai-Ai sa muling pag-uwi niya sa Pilipinas—ni-renew ng GMA Network Inc. ang kanyang kontrata kaya maligayang-maligaya siya.

“Nagulat ako! Ni-renew ng GMA Network ang kontrata ko, kahit alam nilang mas madalas ako sa Amerika. Blessing talaga! Thank you Lord!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Uuwi naman ako kapag may project ang GMA-7 para sa akin, like babalik ako sa Pilipinas sa December dahil sa taping ng Season 5 ng The Clash.

"God is really good!" pasasalamat ni Ai-Ai.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: “May secret life ako na ngayon ko lang ire-reveal. Dati, ayokong sabihin kasi gusto ko may itinatago ako para sa sarili ko, pero hindi naman talaga maililihim. Lalabas at lalabas din.”
PHOTO/S: APCA / @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results