PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristy Fermin two weeks na hindi nakapagsalita

Inoperahan si Cristy sa lalamunan.
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2022
Cristy Fermin in red shirt.
Matagumpay na sumailalim ng Polyp Throat Surgery si Cristy Fermin nung August 15, 2022.
PHOTO/S: File photo

Makalipas ang dalawang linggong pamamahinga, live na muling mapapakinggan at mapapanood si Cristy Fermin sa Cristy FerMinute, ang kanyang programa sa Radyo Singko 92.3 FM at One.PH, simula bukas, August 29, 2022.

Sumailalim si Cristy sa polyp throat surgery sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City noong August 15 para mawala na ang pamamaos ng kanyang boses.

Si Dr. Maita Feliciano ang nagsagawa ng operasyon sa kontrobersiyal at award-winning television host/columnist, na lubos ang pasasalamat sa Diyos dahil negative sa cancer cells ang polyp specimen na inalis sa lalamunan niya.

Hindi naging madali para kay Cristy ang operasyon dahil sa kanyang buong buhay, ngayon lamang niya naranasang hindi magsalita sa matagal na panahon.

“For two weeks, no talk na napakahirap,” kuwento ni Cristy nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Linggo ng tanghali, August 28.

“Puro sign language lang ako pero ang pinakamaganda, negative sa cancer cells ang polyp specimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na ang pamamalat ko. Jusko, kahit tulog yata ako, e, nagsasalita pa rin ako. Napakahirap!

“Si Dr. Maita ang doctor ng mga singer, magkasunod kami na inoperahan ni Erik Santos,” dagdag na kuwento ni Cristy tungkol sa matagumpay na operasyon na pinagdaanan niya.

Kaya nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

“Salamat sa Diyos, naging madali ang paggaling ko dahil sa mga dasal ng mga kapamilya, kaibigan at mga taga-suporta ng Cristy FerMinute at SNN [Showbiz Now Na!]."

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagumpay na sumailalim ng Polyp Throat Surgery si Cristy Fermin nung August 15, 2022.
PHOTO/S: File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results