PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teacher Georcelle sons in new P-pop boy group

Kabilang ang 12-year-old son ni Teacher Georcelle.
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2022
Teacher Georcelle Dapat-Sy in white shirt. Boiz will be Boiz in neon-colored outfits.
Dalawang anak na lalaki ni Teacher Georcelle Dapat-Sy ang kabilang sa members ng bagong P-pop boy group na Boiz will be Boiz.
PHOTO/S: @teachergeorcell Instagram / Viva Recordsa

Pumasok na rin sa entertainment industry sina BJ at Gas Sy, ang mga anak ng dance guru na si Teacher Georcelle Dapat-Sy ng G-Force, kaya hindi nakakapagtaka na minana nila mula sa kanilang ina ang husay sa pagsasayaw.

Si BJ, 17 at si Gas, 12 ang dalawa sa limang miyembro ng Boiz will be Boiz, ang bagong boy group na ipinakilala ng Viva Records.

Kasama nina BJ at Gas sa Boiz will be Boiz ang kanilang pinsan na si Jonric Reyna, si Ethan David na isa sa mga dating lead singers ng Nitro, at si Rey Cariaso na matagal nang kumakanta at nagsanay rin ng pagsasayaw sa G-Force.

Ang "I Wanna Know" ang mid-tempo groover debut single ng Boiz will be Boiz na komposisyon ni Jin Chan.

Inaasahan itong papasa sa panlasa ng Gen Z, ang henerasyon na kinabibilangan ng grupo na ipinakilala ang mga sarili na makukulit, mahihilig sa TikTok, at video games.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Makulit and fun kasi whenever we are preparing for something, we would always have moments where we would just be doing random stuff and laugh about it and then the entire process doesn’t seem like work,” pahayag ni Rey.

Pinaboran ito ni Ethan na nagsabi naman ng, “Whenever we have training, we really don’t treat it as work. What we do is our passion. We came from e very dance-oriented background and our knowledge from performing is taught by the best; by G-Force.”

Ayon kay BJ, makukulit at madadaldal ang lahat ng mga miyembro ng Boiz will be Boiz na isang kaibahan nila sa ibang mga P-pop group.

Ipinangako ng Boiz will be Boiz na kung pagtatanghal ang pag-uusapan, makaaasa ang mga tagahanga nila ng mga mahuhusay na performance at sorpresa mula sa kanila.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang anak na lalaki ni Teacher Georcelle Dapat-Sy ang kabilang sa members ng bagong P-pop boy group na Boiz will be Boiz.
PHOTO/S: @teachergeorcell Instagram / Viva Recordsa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results