PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Darwin Yu begins work as Cebu Pacific flight attendant

Darwin Yu, iiwan na ba ang pag-aartista?
by Jojo Gabinete
Published Aug 31, 2022
darwin yu cebu pac uniform
Actor Darwin Yu fulfills his dream to be a cabin crew but assures his fans that he will never leave showbiz.
PHOTO/S: Courtesy of Virttual Playground

Opisyal nang nagsimula ang trabaho ng Regal baby at Virtual Playground talent na si Darwin Yu bilang flight attendant ng Cebu Pacific Airline kahapon, August 30, 2022.

Bukod sa pagiging aktor, maging cabin crew o flight attendant ang isa sa mga pangarap ni Darwin na natupad nang matanggap siya sa Cebu Pacific Airline.

“Nag-apply po ako noong June 10 then nag-start ako ng one-month training noong July 27, at kahapon ako nag-start bilang cabin crew ng Cebu Pacific para sa domestic at international flights,” pahayag ni Darwin sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng tanghali, August 31.

“Actually, being a cabin crew is also my dream job kaya I took up Tourism Management course...

“Nasa learning process pa ako sa mga ginagawa ko on board, pero kapag okay na, I will be back sa vlogging. Idadagdag ko sa contents ko ang buhay ko bilang flight attendant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Getting ready din ako anytime soon sa papasok na acting projects. Sa ngayon, ito lang muna ang plans ko para makapag-focus ako sa mga ginagawa ko and to have time pa rin with my family, love ones, friends, and loyal supporters.”

darwin yu cebu pac flight attendants

Nagbitaw ng pangako si Darwin na hinding-hindi niya iiwan ang pag-arte dahil sa kanyang pagmamahal sa nabanggit na propesyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, “Hindi ko po iiwan ang showbiz at okay ang airline company na pinapasukan ko dahil meron din mga commercial model, vloggers, at beauty queens.

“Open po ang Cebu Pacific for my craft and opportunities kaya hindi ko iiwanan ang pag-aartista at ang pagiging flight attendant.

“I’m an actor and will always be an actor. Time management lang ang kailangan para ma-inform ko sila beforehand kung may mga project ako na gagawin sa TV o pelikula.

“I know naman na hindi ako pababayaan ng Regal at ng Virtual Playground kaya sobrang thankful ako kina Miss Roselle Monteverde, Sir Dondon Monteverde, at Sir Charlie Dy.”

Nag-umpisa ang acting career ni Darwin nang magbida ito, sa edad na 19, sa 1st Sem, ang 2016 critically-acclaimed indie movie na nagbigay sa kanya ng best actor nomination sa Madrid International Film Festival noong 2018.

Ang Mano Po Legacy: The Family Fortune ang huling TV series project ni Darwin sa GMA-7, pero napanood siya sa mga episode ng Regal Studio Presents bago naging abala para sa training niya bilang cabin crew ng Cebu Pacific Air.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Darwin Yu fulfills his dream to be a cabin crew but assures his fans that he will never leave showbiz.
PHOTO/S: Courtesy of Virttual Playground
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results