PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, magsasalita na tungkol sa estado ng pagsasama nila ng asawa

Aktres, kukumpirmahin ang matagal nang haka-haka sa relasyon nila ng mister.
by Jojo Gabinete
Published Sep 2, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

May personal na pinagdaraanan ang isang aktres kaya hindi nito sinipot ang importanteng imbitasyon sa kanya.

Kinumpirma ito sa Cabinet Files ng mga kaibigan niyang nakakaalam sa katotohanan.

May kinalaman sa relasyon ang problema ng aktres na inaasahang maglalabas ng pahayag tungkol sa tunay na sitwasyon ng pagsasama nila ng kanyang asawa.

Hindi maramot ang aktres dahil ibinabahagi nito sa mga tagahanga niya ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

Kamakailan lamang, naging matapat siya sa pagkukuwento tungkol sa kanyang mga nakaraan rgelasyon.

Ang malalapit na kaibigan ng aktres ang nagsabing sa mga susunod na araw, magsasalita na siya na magiging kumpirmasyon lamang sa mga haka-haka ng publiko na may mga isyu sa pagsasama nila ng kanyang asawa.

Normal na nagkakaroon ng problema sa relasyon ng mga mag-asawa kaya umaasa ang mga nagmamalasakit sa aktres na makakahanap sila ng solusyon ng mister niya para hindi humantong sa hiwalayan ang pagmamahalan na ipinaglaban nila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results