Janelle Tee, inaming may pinagdadaanang mental health issue

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2022
Janelle Tee
Janelle Tee on need for social-media detox: "I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me. I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out."
PHOTO/S: @_janelletee Instagram

Ang pagpapahinga niya mula sa social media ang inanunsyo kagabi, September 3, 2022, ng sexy actress at Miss Earth Philippines 2019 na si Janelle Tee.

Ang dahilan: may isyu siya sa kanyang mental health.

May mga nagtaka sa deklarasyon ni Janelle dahil masiglang-masigla pa ito sa digital media conference ng Anna noong September 1, 2022, kaya walang nag-akala na may mabigat siya na pinagdaraanan.

"My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat," ang pasasalamat ni Janelle bago nito ipinagtapat ang kanyang plano na pananahimik sa social media.

"I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me.

"I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out.

"I’ve thought long enough…I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now," saad ni Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON FAMILY BEING AGAINST HER SEXY ROLES?

Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang pahayag ni Janelle tungkol sa tunay na pinagmulan ng kanyang desisyon, pero hindi sigurado kung magkakaroon ng kasagutan dahil hindi na nga siya aktibo sa social media.

May mga haka-haka na may kinalaman sa mental health issues ni Janelle ang pamilya nito na hindi pa lubusan na tanggap ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula, base sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files noong May 2022.

Sabi noon ni Janelle, "Very conservative ang aking pamilya. Mga probinsyana kami, payak ang pamumuhay.

“Sa ngayon, hindi pa nila gaanong maintindihan ang larangan na pinasok ko. I hope and pray someday na maunawaan po nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON HER DUAL ROLE IN ANNA

Posibleng nakaapekto rin sa mental health ni Janelle ang mga karakter sa mga pelikula at original series na ginagawa niya at masyadong dinidibdib.

Dalawang katauhan na magkaiba ang ugali ang ginagampanan ni Janelle sa Anna na puwedeng nakadagdag sa kanyang mga nararamdaman ngayon.

Sa digital media conference ng Anna, nabanggit ng actress-beauty queen ang pressure na naranasan niya.

"I have two personas. Parang I live a double life. I have to make sure lang na okay ito. Yung mabait na Anna and then ‘yung mabait na Mei-Ling.

"Hindi pa rin nawawala ang pressure kasi ang bilis mag-shoot ni Direk Joey, like take one lang and then you’re done.

"So parang, 'Naibigay ko ba yung best ko?'"

Tila pruweba ito ng pagiging competitive niya na maaaring nakadagdag sa kanyang mga alalahanin bilang aktres na may nais na patunayan kahit baguhan pa lamang siya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee on need for social-media detox: "I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me. I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out."
PHOTO/S: @_janelletee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results