Operating-room scenes sa Abot Kamay Na Pangarap, bantay-sarado ng neurosurgeon

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2022
abot kamay na pangarap medical scenes
Abot Kamay Na Pangarap director L.A. Madridejos on shooting operation-room scenes: "Napaka-challenging dahil alam naman nating laging naba-bash ang mga medical scene sa lahat ng mga soap opera, regardless kung anong station ‘yan or even sa Netflix. Sobrang nagpapasalamat ako sa produksiyon at sa management. In-allow nila kami na i-spend ang kailangan naming time para kunan ang mga eksena. Hindi minadali."
PHOTO/S: GMA Network

Sinabi ng direktor na si L.A. Madridejos na bilang direktor, mas nahirapan siya sa taping ng Abot Kamay Na Pangarap kesa sa First Lady, ang huling proyekto niya sa GMA-7.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ang medical drama series ng Kapuso Network na mapapanood simula ngayong Lunes ng hapon, September 5, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk L.A., may neurosurgeon na nakatutok sa kanilang taping para matiyak na tama ang mga eksenang ginagawa nila.

“Akala ko noong una, mas madali ito kesa sa First Lady, pero hindi kasi meron akong neurosurgeon sa likod na nagsasabi ng dapat gawin.

"Hangga’t hindi niya sinasabi na okay, hindi good take ang operating room scene. Hangga’t may iko-correct siya, iko-correct niya.

“Napaka-challenging dahil alam naman nating laging naba-bash ang mga medical scene sa lahat ng mga soap opera, regardless kung anong station ‘yan or even sa Netflix.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa produksiyon at sa management. In-allow nila kami na i-spend ang kailangan naming time para kunan ang mga eksena.

"Hindi minadali. Tapusin natin nang maayos, tapusin natin nang maganda. Yun ang unang-unang challenge being a medical show,” kuwento ni Madridejos tungkol sa mga hamon sa pagbuo ng isang medical drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahan ng direktor na susuportahan ng mga manonood ang Abot Kamay Na Pangarap dahil magbibigay ito ng inspirasyon.

Saad niya, “Itong Abot Kamay, inspirational at hindi ganito karami ang klase ng drama.

“Susubukan nating dalhin ito sa audience ng hapon and I really hope na mag-work. I really hope, ma-inspire ang audience [para] panoorin nila. Masarap mangarap.”

Kabilang sina Carmina Villarroel at Richard Yap sa mga pangunahing bida sa Abot Kamay Na Pangarap.

Ipinagmalaki ni Madridejos na hindi “hard sell” ang love team nina Carmina at Richard dahil sa konsepto ng iba’t ibang klase ng pagmamahalan na ipapakita ng kanilang medical TV series.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ang pangalawang pagkakataong nagkasama sina Richard at Carmina sa isang proyekto.

Para kay Carmina, si Richard ang isa sa mga pinakamagaan at malinis na aktor na nakatrabaho niya.

Sabi ng aktres, “Second time ko na naka-work si Kuya Richard. Ang gaan, masyado siyang magaan na katrabaho. Parang walang masamang tinapay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang linis, parang ang bango-bango, ang bait-bait. Masarap siyang kasama, very cool.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Abot Kamay Na Pangarap director L.A. Madridejos on shooting operation-room scenes: "Napaka-challenging dahil alam naman nating laging naba-bash ang mga medical scene sa lahat ng mga soap opera, regardless kung anong station ‘yan or even sa Netflix. Sobrang nagpapasalamat ako sa produksiyon at sa management. In-allow nila kami na i-spend ang kailangan naming time para kunan ang mga eksena. Hindi minadali."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results