Direk Jason Paul Laxamana, napaiyak sa premiere ng Expensive Candy

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2022
jason paul laxamana julia barretto carlo aquino premiere
Hindi napigilan ng direktor na si Jason Paul Laxamana na mapaluha nang makita nito ang maraming tao na sinuportahan ang kanyang pelikula na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino at nang marinig niya ang malakas na palakpakan ng manonood matapos ang matagumpay na screening ng Expensive Candy.

Napaiyak ang direktor na si Jason Paul Laxamana sa red-carpet premiere ng Expensive Candy na ginanap sa The Block Cinema ng SM North Edsa, kagabi, September 5, 2022.

Hindi napigilan ni Jason na mapaluha nang makita nito ang maraming tao na sinuportahan ang kanyang pelikula na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino at nang marinig niya ang malakas na palakpakan ng manonood matapos ang matagumpay na screening ng Expensive Candy.

Pangarap kasi ng direktor na bumalik ang mga Pilipino sa panonood ng mga pelikula matapos ang matagal na panahong pagsasara ng mga sinehan.

Si Julia ang nagsabing naging sentimental si Jason, na tuluyan nang napaiyak nang sabihin nito ang kanyang nararamdaman.

“More than the movie itself, na-miss ko kasi yung ganito… sinehan.

“Kami po, lalung-lalo na ako, ito lang po yung trabaho ko, yung pagiging direktor. Yung sinehan po ang tahanan namin.

"So, naging emotional lang ako na nakakabalik na tayo sa ganito. Sana po magtuluy-tuloy na,” umiiyak na pahayag ni Jason habang dinadamayan siya at hinihimas ni Julia ang kanyang likod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Jason dahil hindi na takot ang mga taong lumabas para manood ng sine na katuparan ng kanyang kahilingang magkaroon siya ng kontribusyon para mahikayat ang ating mga kababayan na muling tangkilikin ang mga sinehan.

Masigasig si Jason sa pagtulong kina Julia at Carlo sa promotion ng Expensive Candy, kahit masama ang pakiramdam niya tulad ng nangyari nang dumalo siya sa face-to-face presscon ng kanilang pelikula noong August 31, 2022.

Hindi nahalata ang panghihina at matinding pagkahilo na nararamdaman ni Jason habang nagaganap ang press conference dahil tumaas nang husto ang blood sugar niya sa katawan kaya isinugod siya sa emergency room ng isang ospital ilang oras matapos ang press conference.

Nakita sa mga test kay Jason na napakataas ng blood sugar (346) niya. Para bumaba ito, tinurukan siya ng insulin.

Nagpapasalamat si Jason dahil lumabas sa resulta ng mga test na walang problema sa kanyang puso at bato na isa sa mga ipinag-alala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi napigilan ng direktor na si Jason Paul Laxamana na mapaluha nang makita nito ang maraming tao na sinuportahan ang kanyang pelikula na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino at nang marinig niya ang malakas na palakpakan ng manonood matapos ang matagumpay na screening ng Expensive Candy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results