Vilma Santos, excited na sa pagbabalik-pelikula: "It’s something different, maganda at iba!"

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2022
vilma erik dondon casual
Nakipag-meeting ang Star For All Seasons na si Vilma Santos Reality MM Studios producers na sina Erik Matti (kaliwa) at Dondon Monteverde (kanan) para sa pinaplanong comeback movie ng Star For All Seasons.
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto on Instagram

Sigurado na ang pagbabalik sa pag-arte ni Star for All Seasons Vilma Santos.

Nakipag-usap na siya sa Reality MM Studios producers na sina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Read: Vilma Santos gears up for comeback film with director Erik Matti

Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Vilma ngayong Huwebes ng hapon, September 8, 2022, nagkuwento siyang nagustuhan niya ang mga kakaibang proyekto na inilatag sa kanya nina Dondon at Direk Erik.

Pahayag ng muti-awarded actress, “Regarding the movie, naglatag sa akin ng two concepts na movie or series sina Direk Erik at Dondon.

"It’s something different, maganda at iba! Tingin ko bagay sa akin!! Iba eh!!

I cannot divulge the theme yet kasi binubuo pa nina Direk Erik at Dondon.”

Pero inamin ni Vilma na fan siya ng mga trabaho ni Direk Erik.

Sabi pa niya, "You will never go wrong with Direk ERIK MATTI!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabik na sabik nang maging aktibo muli sa pag-arte ang movie icon.

“Excited ako sa showbiz at sana makagawa uli ako ng movie na babagay naman sa akin! Excited to be with all of you again kapag nagkaroon ng presscon.

“Miss ko kayo at ang showbiz but I am taking my time kasi ang dami pa rin na dapat i-consider. Wala pa tayong kasiguraduhan sa pagbubukas ng mga sinehan at hindi pa ganoon ka-safe dahil nandito pa ang COVID.

“Kailangan pa ring mag-ingat sa mga haharapin mong tao at trabaho, like kaya ba na ipa-Antigen sila palagi?

“Marami ang dapat i-consider dahil hindi na rin tayo bumabata at kailangan pa rin na mag-ingat kaya no hurry.

“Inaayos na lahat at kapag okay na, yes, back to work in showbiz para makita ko uli ang mga pamilya ko sa showbiz ! Excited ako!”

Hindi itinanggi ni Vilma na nakikipag-usap din sa kanya ang ABS-CBN management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May meetings din ako with ABS-CBN for a TV show and movie. I will let you know kapag final na.

"May YouTube vlog din ako na nae-enjoy ko ngayon. Something interesting para sa social media. Iba na kasi ngayon. Wala ito noong '80s at '90s!

“Kailangan sumakay na tayo sa panahon ngayon ng millennials!” ang natatawang sabi ng multi-awarded actress.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakipag-meeting ang Star For All Seasons na si Vilma Santos Reality MM Studios producers na sina Erik Matti (kaliwa) at Dondon Monteverde (kanan) para sa pinaplanong comeback movie ng Star For All Seasons.
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results