Nikko Natividad, aagawan ng trono si Wilbert Ross sa Viva?

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2022
nikko natividad beach
Nikko Natividad on signing up with Viva Artists Agency: “Tuwang-tuwa po ako lalo na noong unang meet ko kay Boss Vic del Rosario. Talagang bungad po niya sa akin, 'Pirma ka sa akin. Bibigyan kita ng mga movie. Sa ilang years mo na stay sa akin, may ibibigay ako sa 'yo na mga project. Hindi lang basta movie, may chance ka ring magsabi sa akin kung ano yung mga gusto mong project.”
PHOTO/S: @hashtag_nikko on Instagram

Ipinakilala si Nikko Natividad bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment, ngayong Huwebes ng hapon, September 8, 2022.

Nangako si Nikko na hindi niya pasasakitin ang ulo ng mga executive ng Viva dahil karangalang bahagi na rin siya ng isang malaki at kilala na entertainment company.

Kuwento ng Hashtags member, “Hindi ko po pasasakitin ang ulo nila. Dapat mabait ka, lalo na sa trabaho.

“Tuwang-tuwa po ako lalo na noong unang meet ko kay Boss Vic del Rosario. Talagang bungad po niya sa akin, 'Pirma ka sa akin. Bibigyan kita ng mga movie. Sa ilang years mo na stay sa akin, may ibibigay ako sa 'yo na mga project. Hindi lang basta movie, may chance ka ring magsabi sa akin kung ano yung mga gusto mong project.”

Umaasa si Nikko na makakasama rin niya sa mga proyekto ng Viva ang kanyang mga dating kasamahan sa Hashtags na sina McCoy de Leon at Wilbert Ross, na mga talent din ng Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Nakakausap ko po sina McCoy, Wilbert tungkol sa tinatakbo ng mga career nila sa mga movie. Alam naman natin ang Viva, grabe sila mag-produce ng movie.

“Si Wilbert, parang every month may ginagawa na movie, so nagkaroon din ako ng idea.

“Lagi ko nga po siyang niloloko kasi kapag nagkakasama kami, noong hindi pa ako [taga] Viva, kapag may movie siya na gagawin, lalo na yung Boy Bastos.

“Dati, sabi niya sa akin, ‘Bro, yung bago kong role, ikaw ang naiisip ko. Parang ikaw yung gusto kong gayahin.’

"Kasi siyempre sa social media, medyo naughty po ako.

“Pero sabi ko sa kanya noong mag-Viva ako, 'Huwag kang mag-alala. Hindi ko aagawin sa 'yo ang trono dahil ikaw lang ang nakakagawa niyan. Napakaseksi mo talaga, Wilbert.' Lagi ko siyang binibiro nang ganoon.

“Pero siyempre, pagdating sa sexy comedy [projects], gusto ko magkatrabaho kami.”

SINO ANG TUNAY NA DAKILA?

"Ka-daks" ang tawag ni Nikko sa kanyang mga tagahanga dahil inako o self-proclaimed na "daks" o dakila siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakabugin ba niya si Wilbert para sa nabanggit na titulo?

“Wala pa naman po yatang umamin na dyutay sila. Huy, daks din po si Wilbert. Nakasabay ko po siyang umihi!” maagap na sagot ni Nikko.

Sa mga contract star ng Viva Artists Agency, si Jerald Napoles ang gustong makasama ni Nikko sa pelikula para magkaalaman na raw kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na dakila.

“Sa totoo lang, ang gusto kong makatrabaho, si Jerald Napoles. Nag-message pa ako sa Instagram niya kasi kapag pinapanood ko ang mga movie niya, pati yung sa kanila ni Kim [Molina], sabi ko, 'Bro, sana magka-work tayo.'

“Feeling ko, siya yung daks, si Jerald, kaya sabi ko, 'Kailangan magkatrabaho tayo para mapatunayan ko na mas lamang ako sa 'yo.'"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikko Natividad on signing up with Viva Artists Agency: “Tuwang-tuwa po ako lalo na noong unang meet ko kay Boss Vic del Rosario. Talagang bungad po niya sa akin, 'Pirma ka sa akin. Bibigyan kita ng mga movie. Sa ilang years mo na stay sa akin, may ibibigay ako sa 'yo na mga project. Hindi lang basta movie, may chance ka ring magsabi sa akin kung ano yung mga gusto mong project.”
PHOTO/S: @hashtag_nikko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results