Kim Molina, kinilig sa kauna-unahan niyang Urian nomination for best actress

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2022
kim molina
Kim Molina on her first Urian nomination: “Isang karangalan na pong makita pangalan ko sa listahan, kasama pa po ni Ma’am Charo Santos. Oh my God, okay na po ako!”
PHOTO/S: Vivamax

Matinding kilig ang naramdaman ni Kim Molina nang malaman nitong nominado siya sa kategorya ng pinakamahusay na aktres ng 45th Gawad Urian, ang award-giving body ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Nominado si Kim para sa kanyang pagganap sa Ikaw at Ako at ang Ending, ang pelikula nila ng real-life boyfriend niya na si Jerald Napoles na napapanood pa rin sa Vivamax at Netflix.

Ang Gawad Urian ang unang acting nomination na natanggap ni Kim kaya tuwang-tuwang ito.

Nakadagdag sa proud moment ni Kim na nominado rin para sa kategorya ng pinakamahusay na aktres ang seasoned performer na si Charo Santos-Concio, na na-nominate para sa kanyang pagganap sa Kun Maupay Man It Panahon.

Ang iba pang mga nominado ay sina Donna Cariaga (Rabid), Elora Españo (Love and Pain in Between Refrains), at Yen Santos (A Faraway Land).

urian nominees best actress

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay na ako sa listahan, kahit hindi ako manalo! Di ba, pang-first timer ang kilig?” masayang-masayang sabi ni Kim nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Biyernes ng hapon, September 9, 2022.

“Maraming salamat po sa nominasyon, Gawad Urian at congratulations din kay Direk Ayrin [Irene Villamor, direktor ng Ikaw at Ako at ang Ending]. Yakap nang mahigpit sa 'yo!

“Isang karangalan na pong makita pangalan ko sa listahan, kasama pa po ni Ma’am Charo Santos. Oh my God, okay na po ako!”

Nagbigay-pugay rin si Kim sa ibang mga nominado sa best actress category ng 45th Gawad Urian.

Lastly, nagpasalamat si Kim kay Jerald na gumanap na Martin sa kanilang pelikulang kasali sa Top 10 movies ng Netflix noong August 2022.

“Sa aking 'Martin' Jerald Napoles, ikaw talaga ito. Thank you for always pushing me to limits I never thought I could handle,” mensahe ni Kim, na lalong ginanahang magtrabaho dahil sa mga papuri sa pag-arte niya at sa karangalang ipinagkaloob sa kanya ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina on her first Urian nomination: “Isang karangalan na pong makita pangalan ko sa listahan, kasama pa po ni Ma’am Charo Santos. Oh my God, okay na po ako!”
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results