Julia Barretto Eat Bulaga guesting, senyales ng pagiging Kapuso?

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2022
Julia Barretto Eat Bulaga guesting
Julia Barretto, sobrang enjoy sa Eat Bulaga guesting ngayong Sabado, September 10. Super bonding ang Expensive Candy lead star sa mga Dabarkads. Senyales kaya ito ng pagiging Kapuso niya balang araw?

Kahit may anunsyo ang paglabas ni Julia Barretto sa Eat Bulaga ngayong Sabado ng hapon, September 10, marami pa rin ang nagulat nang mapanood siya bilang celebrity guest sa Bawal Judgmental segment ng noontime program ng GMA-7.

Ang guesting ni Julia sa Eat Bulaga ang unang pagkakataong napanood siya sa Kapuso Network, kaya hindi makapaniwala ang televiewers na nasanay nang nakikita ang aktres sa mga programa ng ABS-CBN.

May kinalaman ang Eat Bulaga guesting ni Julia sa pelikulang pinagbibidahan niya, ang Expensive Candy na ipalalabas sa mga sinehan sa September 14, 2022.

Masipag si Julia sa pagpo-promote ng kanyang pelikula lalupa’t positibo ang lahat ng mga review mula sa mga dumalo sa red carpet premiere ng Expensive Candy na ginanap noong September 5 sa The Block cinema ng SM North Edsa.

Ikinagalak ng televiewers ang pagpayag ni Julia na magsayaw ng Dancing Queen dahil hindi siya tinantanan ng mga host ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipagsabayan din si Julia sa budot dance nina Mae Dizon, Miles Ocampo at Maja Salvador na humiling na magkaroon sila ng group picture.

"Sobrang ganda talaga ni Julia" ang nangibabaw na reaksyon ng netizens sa guesting niya sa Eat Bulaga, dahil sa kanyang napakaganda na mukha at malakas na screen presence kaya may mga hiling na lumipat na siya sa GMA-7.

Trivia: Nang pasayawin ng mga host ng Eat Bulaga ang isa sa mga Bawal Judgmental choice, ang kanta na Dayang Dayang ang ginamit na tugtog na tiyak na nagpaalaala kay Julia sa dance number nila ni Gerald Anderson sa 2019 blockbuster movie na Between Maybes.

Ang pagsasayaw ng dalawa sa tugtog ng Dayang Dayang ang isa sa mga highlight sa mga eksena ng Between Maybes at nagpakilig sa manonood dahil sa malakas na chemistry nina Julia at Gerald na humantong sa tunay na buhay ang relasyon ng kanilang mga karakter sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto, sobrang enjoy sa Eat Bulaga guesting ngayong Sabado, September 10. Super bonding ang Expensive Candy lead star sa mga Dabarkads. Senyales kaya ito ng pagiging Kapuso niya balang araw?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results