Billy Crawford, umani ng papuri sa unang salang niya sa Dancing With The Stars

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2022
Billy Crawford
Billy Crawford, kahanga-hanga ang naging debut performance sa pilot telecast ng Danse avec les stars (Dancing With The Stars) na ginanap sa France noong Sabado ng gabi, September 9 (September 10, Manila time).

Tunay na maipagmamalaki si Billy Crawford ng mga Pilipino dahil sa husay sa pagsasayaw na ipinamalas niya sa kanyang unang pagsalang bilang celebrity contestant sa pilot telecast sa Television Francaise 1(FT1) ng Season 12 ng Danse avec les stars, ang sikat na dance television show sa France.

Napanood ang dance number ni Billy sa French version ng Dancing with the Stars noong Biyernes ng gabi, September 9 (Sabado, September 10, sa Pilipinas] at pinahanga niya ang lahat, pati na ang host at mga hurado ng programa kaya nakakuha siya ng apat na buzz na nangangahulugan ng pagpapatuloy ng kanyang partisipasyon sa nabanggit na dance contest.

Ang French dancer at actress na si Fauve Hautot ang kapareha ni Billy sa pagsasayaw at nang makatanggap ng apat na buzz votes ang Filipino singer-dancer at television host, hindi nito napigilan ang mapaluha at mapaupo sa entablado dahil sa sobrang pagkagulat at kaligayahan.

Sunud-sunod na bravo ang tinanggap ni Billy mula sa mga hurado ng Danse avec les stars, at puro positibo ang mga review sa kanyang pagsayaw na naging basehan ng artikulong nagsasabi na siya ang lumilitaw na paborito sa mga celebrity contender.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Has Billy Crawford ever won "Dancing with the Stars"? If it is much too early to say, the ex-idol of teenagers in the 90s caused a sensation, Friday night for the return of the show on TF1. He danced a chacha to the tune of Harry Styles' 'Watermelon Sugar' for which the jury awarded him four buzzes which allows him to qualify directly for the following week,” ang bahagi ng artikulong inilabas ng Ladepeche.fr ilang oras matapos ang pilot telecast ng programa.

Pabor na pabor din kay Billy ang news report ng Télé-Loisirs tungkol sa performance niya sa Danse avec les stars.

Ulat nito: “Billy Crawford had a huge success in France in the early 2000s with his hit Trackin, before becoming more discreet.

"At the time, his romance with Lorie had caused a lot of ink to flow. He is now a television host in the Philippines.

"He agreed to participate in Dancing with the Stars on the condition that his family could accompany him on this adventure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's a dream to be there with them even if it took a lot of sacrifices. Even my wife stopped working for a few months to come here for the season," he said.

"The singer is married to actress and model Coleen Garcia and father of a young boy, Amari, aged two. For this new challenge, the Filipino singer is happy to share the stage with Fauve Hautot, who won last year with singer Tayc.

"And their first performance on stage garnered all the votes. It even earned Billy Crawford the four buzzes that directly propelled him to the third prime.

"I overkiffed. I received so much energy, so much generosity that I wanted to make a trio with you," enthused Marie-Agnès Gillot, totally under the spell of the performance.

"Netizens shared the pleasure of the judges. Delighted to find for some an idol of their youth, they were struck by the level of the Filipino singer in dance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They already see the duo reach the final of the show, because according to them he has 'folded the game' and offered a performance much higher than that of his competitors of the day. We will have to wait fifteen days to find Billy Crawford in the show and discover his new performance!”

Postscript: Tulad nang sinabi ni Billy sa digital media conference ng The Wall Philippines ng GMA-7 noong August 23, 2022, mapapanood sa YouTube ang pagsali niya sa Danse avec les stars na higit na naging makabuluhan dahil ngayong Sabado, September 10, ang ikalawang taon na kaarawan ni Amari, ang anak nila ni Coleen. Kasama ni Billy ang kanyang mag-ina sa France habang contestant siya ng Danse avec les stars.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford, kahanga-hanga ang naging debut performance sa pilot telecast ng Danse avec les stars (Dancing With The Stars) na ginanap sa France noong Sabado ng gabi, September 9 (September 10, Manila time).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results