Pagkaka-delay ng flight ng grupo ni Xian Lim sa Vancouver, may magandang dahilan

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2022
xian lim marco gumabao airport
Kasama ang mga aktor na sina Marco Gumabao at Xian Lim (without face masks) at ang integrative medicine specialist at wellness expert na si Dr. Edwin Bien (kanan) na pumunta sa Canada para sa isang event doon. Pagbalik ng grupo sa Pilipinas ay may kakaibang experience silang naranasan sa eroplano.

Naniniwala ang grupo ni Xian Lim na may dahilan kaya naiwan sila ng eroplano na sasakyan nila pabalik ng Pilipinas mula sa Vancouver, Canada, noong September 5, 2022.

Sina Xian at Marco Gumabao ang mga invited performer ng MX3 Natural Supplements sa Fiesta Filipino na ginanap sa Calgary, Canada mula September 2 hanggang sa September 4, 2022. Dinaluhan ito ng mahigit sa 80,000 Filipinos.

Kasama sa grupo nina Xian at Marco ang integrative medicine specialist at wellness expert na si Dr. Edwin Bien ng MX3.

Hindi na kasama si Marco nang bumalik sa Pilipinas si Xian dahil dumiretso siya sa Amerika pagkatapos ng show nila sa Calgary.

Na-delay ang flight ni Xian at ng mga kasama nito mula sa Calgary patungo sa Vancouver noong September 5 dahil naantala ang pagdating ng eroplano na sasakyan nila.

Nang dumating ang grupo sa Vancouver International Airport, hindi na sila nakasakay sa eroplano na maghahatid sa kanila sa Pilipinas dahil sa problema sa ilang dokumento at sa delay na nangyari sa flight nila mula sa Calgary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil ang domestic airline ang may pagkukulang, ang mga empleyado nila ang gumawa ng paraan na ilipat si Xian at ang mga kasama nito sa ibang airline.

Mula sa original 2 p.m. departure, 11 p.m. na sila nang makasakay sa eroplano pabalik sa Pilipinas.

Si Dr. Bien ang nagkuwento tungkol sa pinaniwalaan nilang "purpose" kaya naiwan sila ng eroplano sa Vancouver International Airport.

Lahad niya, “There’s a reason for everything.

"Pagsakay namin ng eroplano, alas-tres ng madaling-araw, nag-call out ang flight attendant, while everybody was sleeping, ng doktor.

“And I was the one na gising. I was the one na nag-respond sa emergency sa eroplano. One lady, si Nanay Julia, about 78 years old who has cancer, passed away sa upuan niya.

“So she needs attention. She needs paperworks also.

"Kumbaga, us being delayed has a purpose, and that is to be able for some people to service the needs of Nanay Julia on her last few minutes and we were able to pray with her family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Dr. Bien, “Si Lord, ide-delay ka kapag kailangan ka Niya. Si Nanay Julia needs someone.

“But what’s very important sa naging situation namin was pag-landing ng eroplano, umakyat agad yung doktor ng airport and the first question that they asked me, 'Do you think this is infectious, ang reason for passing away?’

“So, I know iniisip nila baka COVID ang dahilan. I was very strict to say, 'No, hindi. It’s cardiorespiratory arrest ito dahil si Nanay has Stage 4 cancer.'

“Because if there’s no doctor there, malamang yung buong eroplano, yung mga pasahero, naka-quarantine for one to two weeks.”

Nang lumapag sa Pilipinas ang aircraft sa Ninoy Aquino International Airport, pinababa muna ang lahat ng mga pasahero bago inilabas ang bangkay ng nasawi.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ang mga aktor na sina Marco Gumabao at Xian Lim (without face masks) at ang integrative medicine specialist at wellness expert na si Dr. Edwin Bien (kanan) na pumunta sa Canada para sa isang event doon. Pagbalik ng grupo sa Pilipinas ay may kakaibang experience silang naranasan sa eroplano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results