Competitive na aktres, nabuntis ng lalakeng may asawa't anak

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Ang aksidente o wala sa planong pagbubuntis ang dahilan kaya pansamantalang mawawala sa sirkulasyon ang aktres na sunud-sunod ang mga project.

Kilala sa pagiging competitive ang aktres na nagtagumpay dahil napansin ang kanyang kakaibang sipag, determinasyon, at talento sa pag-arte.

Sa kasamaang-palad, sa ayaw at sa gusto ng aktres, kailangan niyang magpahinga dahil sa kanyang kalagayan.

Ikinagulat ng mga nakakakilala sa aktres ang pagbubuntis nito dahil bukod sa pagiging matalino, "career woman" ang imahe niya sa showbiz at wala sa tipo niya ang magiging dalagang ina.

Kontrobersiyal ang pagbubuntis ng aktres dahil may pananagutan na ang lalakeng itinuturong ama ng sanggol na kanyang dinadala.

Palaisipan sa mga nakakakilala sa aktres ang pagpatol nito sa lalakeng pinagbibintangang nakabuntis sa kanya na alam niyang may asawa at anak kaya talong-talo siya sa pinasok na sitwasyon.

Isang malaking showbiz scandal ang tiyak na sasabog at pagpipistahan kapag napatunayan ang katauhan ng ama ng sanggol na ipinagbubuntis ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results