Janelle Tee, wala umanong malalim na dahilan ang social media break

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2022
janelle tee three photos
Janelle Tee: "Gusto ko lang maging inactive muna. Alam mo yung parang nangyayari, iyon naman sa atin, like when we work so much, nang dire-diretso. Parang we want to relax and recuperate and be in touch with the realities of life. Parang ganoon."
PHOTO/S: Instagram / Vivamax

Ang desisyon niyang magpahinga o maging inactive sa social media ang isa sa mga inusisa sa sexy actress na si Janelle Tee nang dumalo ito sa private screening ng The Escort Wife.

Ginanap ang private screening sa Gateway Mall Cineplex sa Cubao, Quezon City, nitong Martes nang gabi, September 13, 2022.

Read: Janelle Tee, inaming may pinagdadaanang mental health issue

Sampung araw na ang nakalilipas mula nang magpaalam si Janelle sa social media friends nito sa pamamagitan ng isang Facebook post noong September 3, 2022.

"Taking a social media break," katuwiran na ibinigay ni Janelle.

Sabi pa niya, “My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat.

“I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me.

“I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’ve thought long enough…

“I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now.”

Muling hiningan si Janelle ng paliwanag tungkol sa kanyang intriguing post sa private screening ng The Escort Wife.

Ito ang walang labis, walang kulang na sagot niya:

“Gusto ko lang maging inactive muna. Alam mo yung parang nangyayari, iyon naman sa atin, like when we work so much, nang dire-diretso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang we want to relax and recuperate and be in touch with the realities of life. Parang ganoon.

“Hindi naman ako mawawala forever. Parang I just need to take a break. Social media detox, kumbaga.

"Kailangan po talaga yun, but I’ll not be gone for too long. I’ll be back very very soon and marami tayong paandar pang nakahanda po para sa inyong lahat."

Nang tanungin kung may pinagdaraanan siya, “Wala naman siyang super duper like lalim talaga na dahilan,” sabi ni Janelle.

Saad pa niya, “It’s just that I felt na kailangan ko lang siya. Parang ang feeling ko, ang ano ng social media, so I just needed that.

"I remember before, after nag-compete ako ng Miss Earth 2019, nag-detox din ako. Parang ratrat ka tapos biglang kailangan mo lang talaga ng break and then, when you’re back, you’re back na mas maraming pasabog at paandar.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee: "Gusto ko lang maging inactive muna. Alam mo yung parang nangyayari, iyon naman sa atin, like when we work so much, nang dire-diretso. Parang we want to relax and recuperate and be in touch with the realities of life. Parang ganoon."
PHOTO/S: Instagram / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results