Aktres, hindi aaminin ang pagbubuntis; beauty queen, nataranta nang tanungin kung buntis

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Wala pa sa plano ng isang aktres na aminin sa publiko ang kanyang pagbubuntis.

Dapat igalang ang desisyon ng aktres dahil lahat tayo ay may karapatang gawing pribado ang mga nangyayari sa ating personal na buhay.

Kuntento muna ang aktres sa pagsusuot ng maluluwag na damit para ilihim ang kanyang kalagayan, pero darating ang panahong tiyak na hindi na niya maitatago ang katotohanan.

Puwedeng humingi ng tip ang aktres sa sexy star na nagbuntis at nanganak noong 2020.

Muling bumalik ang sexy star sa paggawa ng titillating movies na parang walang nangyari. Pero mapapansin ang pagbabago ng hugis ng kanyang katawan, lalung-lalo na ang dibdib niya, dahil mahahalata na nanay na siya.

Ang paglilihim ng aktres sa kanyang pagdadalantao ang nagpaalaala sa amin sa kuwento tungkol sa beauty queen-turned-actress na inilihim din ang pagbubuntis noong 2003.

Nakarating sa amin ang balitang buntis ang beauty queen-turned-actress.

Nang hindi sinasadyang magkita kami sa escalator area ng 4th level ng Robinsons Galleria mall noong March 2003, walang halong malisya na tinanong namin siya ng “Buntis ka raw?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imbes na sumagot, nataranta ang aktres at nahulog sa sahig ang kanyang wallet na naglalaman ng ATM cards.

Tinulungan namin siyang pulutin ang mga nalaglag na cards, pero wala kaming narinig na pag-amin o pagtanggi niya sa aming tanong.

Nang isulat namin sa aming newspaper column ang mga nangyari sa pagkikita namin sa Robinsons Galleria, isang mahaba na panunumbat na text message ang aming natanggap mula sa aktres.

Hindi na namin naibahagi sa readers ang mga mensaheng ipinadala sa amin ng aktres dahil may tumawag sa publisher at nakiusap na huwag na kaming hayaang maglabas ng balita tungkol sa buntis na showbiz personality.

Nasagot ang misteryo sa "news blackout" tungkol sa pagbubuntis ng aktres nang malaman naming isang powerful politician na kaibigan ng newspaper publisher ang ama ng sanggol na kanyang dinadala.

Hindi rin nagtagal ang pagsasama ng dalawa dahil hindi puwedeng pakasalan ang aktres ng kanyang karelasyon noon na may mga anak at legal wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labingsiyam na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente at ngayon, hindi na inililihim ng aktres na ang pulitiko ang ama ng kanyang anak.

Kung mababasa ng aktres na itinatago ngayon ang pagbubuntis niya ang karanasan noon ng beauty queen-turned-actress, tiyak na may aral siyang mapupulot at matututunan na kahit ano ang kanyang gawing paglilihim, siguradung-sigurado na lilitaw ang katotohanan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results