ABS-CBN Ball 2022, na-postpone dahil sa malalaking artista ng Star Magic?

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2022
abs-cbn ball 2022
ABS-CBN: “Given current circumstances, we have decided to postpone the ABS-CBN Ball. The purpose of the event was to thank you our Kapamilya stars, industry partners, and friends who supported us through these difficult times. We may not be able to get together soon but please accept our deepest gratitude for your unwavering support for ABS-CBN. We look forward to seeing all of you at the ABS-CBN Ball at a more opportune time.”

Marami ang nadismaya sa desisyon ng ABS-CBN management na ipagpaliban ang ABS-CBN Ball at ang 30th anniversary celebration ng Star Magic.

Nakatakda sana itong ganapin sa October 2, 2022 sa Grand Ballroom ng Manila Marriott Hotel, Pasay City.

Nalungkot ang mga artista ng Kapamilya Network, pati na ang mga designer ng kanilang mga kasuotan para sa pagtitipon na may temang Modern Filipiniana.

Naudlot ang ABS-CBN Ball 2022 dahil mahirap pagsama-samahin ang ibang mga artista, lalo na ang sikat na contract stars ng Star Magic.

Reportedly, may mga show at commitment sa iba’t ibang bansa ang mga kilalang artista ng ABS-CBN.

Kung wala ang karamihan sa kanila, hindi magiging kumpleto ang ABS-CBN Ball kaya nagpasya ang management na huwag nang ituloy ang inaabangan at pinakahihintay na okasyon.

Nabalewala rin ang inaayos na antigen rapid testing stations para sa lahat ng mga dadalo sa ABS-CBN Ball dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Nonetheless, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga imbitado sa ABS-CBN Ball na itutuloy pa rin ito sa ibang pagkakataon kapag makakadalo na ang prized stars ng Star Magic at Kapamilya Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sina Kim Chiu at Xian Lim sa mga artistang imbitado sa ABS-CBN Ball 2022.

Ikinuwento ng dalawa sa press conference ng Always na natanggap na nila ang kanilang mga imbitasyon kaya excited si Xian na samahan ang kanyang girlfriend sa ABS-CBN Ball.

Pero hindi na nga ito matutuloy dahil sa official statement na inilabas ng Kapamilya management ngayong Miyerkoles, September 14.

Nakasaad dito: “Given current circumstances, we have decided to postpone the ABS-CBN Ball.

“The purpose of the event was to thank you our Kapamilya stars, industry partners, and friends who supported us through these difficult times.

“We may not be able to get together soon but please accept our deepest gratitude for your unwavering support for ABS-CBN.

“We look forward to seeing all of you at the ABS-CBN Ball at a more opportune time.”

abs-cbn ball 2022 statement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN: “Given current circumstances, we have decided to postpone the ABS-CBN Ball. The purpose of the event was to thank you our Kapamilya stars, industry partners, and friends who supported us through these difficult times. We may not be able to get together soon but please accept our deepest gratitude for your unwavering support for ABS-CBN. We look forward to seeing all of you at the ABS-CBN Ball at a more opportune time.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results