Jessica Villarubin, natupad ang pangarap kumanta ng komposisyon ni Vehnee Saturno

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2022
jessica villarubin serious
Jessica Villarubin on her latest single, "Ikaw Lang Ang iibigin": "Before, na-try ko rin ma-in love so siguro ito yung naging hugot ko nung nag-record ako, yung mga past relationship ko. But dedicated ko rin ang song for LDR [long-distance relationship] couples na malayo sa isa’t isa. Na hindi hadlang yung distance when you love someone. Tamang-tama itong kanta para sa inyo."
PHOTO/S: @jessicavillarubin on Instagram

Natupad ang pangarap ni The Clash Season 3 Grand Champion Jessica Villarubin na magkaroon ng kantang nilikha ng award-winning musician na si Vehnee Saturno.

Si Vehnee ang nagsulat ng kanyang bagong ballad single sa GMA Music, ang "Ikaw Lang Ang Iibigin" na nakatakdang i-release bukas, September 16.

“Very excited po ako, especially nung nalaman ko kung sino yung composer ng song. I was very happy kasi si Sir Vehnee Saturno ay isa sa mga sikat na composer dito sa Pilipinas at marami sa mga kanta niya ang sumikat.

“Sa paghahanda sa song, ipinagkatiwala ko po sa GMA kung ano yung ibibigay nila sa akin. Nung nagbigay sila ng songs, ito talaga yung napusuan ko sa lahat kasi gusto ko yung message ng kanta, pahayag ni Jessica.

Inihahandog daw ng Kapuso singer ang "Ikaw Lang Ang Iibigin" sa kanyang mga kaibigang nagmamahal.

“Sa friends ko na in love, this is for you," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Before, na-try ko rin ma-in love so siguro ito yung naging hugot ko nung nag-record ako, yung mga past relationship ko.

“But dedicated ko rin ang song for LDR [long-distance relationship] couples na malayo sa isa’t isa. Na hindi hadlang yung distance when you love someone. Tamang-tama itong kanta para sa inyo.”

Dahil nagkatotoo na ang ambisyon niyang makatrabaho si Vehnee, ang collaboration sa ibang mga Kapuso singer ang isang pangarap ni Jessica na nais nitong mangyari.

Aniya, “Kung mabibigyan man po ako ng pagkakataon, ang dami kong gustong maka-collab.

"Isa si Ate Julie Anne San Jose. I want to collaborate with her talaga and Miss Lani Misalucha, lahat ng nasa ‘Queendom.’

“Also si Ate Katrina Velarde kasi nakapag-collab na kami and nakapag-work na kaming dalawa.

"Marami pa akong gustong makasama, like si Kuya Christian Bautista, parang lahat ng mga singer na kilala ko, gusto ko silang maka-collab.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessica Villarubin on her latest single, "Ikaw Lang Ang iibigin": "Before, na-try ko rin ma-in love so siguro ito yung naging hugot ko nung nag-record ako, yung mga past relationship ko. But dedicated ko rin ang song for LDR [long-distance relationship] couples na malayo sa isa’t isa. Na hindi hadlang yung distance when you love someone. Tamang-tama itong kanta para sa inyo."
PHOTO/S: @jessicavillarubin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results