Michelle Aldana, isang karangalan ang masampal at masabunutan si Jean Garcia

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2022
michelle aldana jean garcia finger hearts
Comebacking actress Michelle Aldana on Nakarehas Na Puso co-star Jean Garcia: "Napaka-supportive talaga niya. Tinuruan niya ako kung papaano kami hindi magkakasakitan at kung papaano namin madadaya sa kamera. So, I’m really really grateful kasi talagang I feel I’m in safe hands kay Jean."
PHOTO/S: @therealmichellealdana on Instagram

Isang karangalan para kay Michelle Aldana na masampal at masabunutan niya si Jean Garcia sa kanilang mga eksena sa Nakarehas Na Puso, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa September 26, 2022.

Ang Nakarehas Na Puso ang kauna-unahang drama series na ginawa ni Michelle, na tinalikuran ang showbiz noong 1998 para mamuhay sa ibang bansa at bumuo ng sariling pamilya.

Itinuturing ng Miss Asia Pacific 1993 winner na masuwerte siya dahil sa kanyang mga natutunan mula sa kanyang co-star, ang veteran actress na si Jean Garcia, na mahusay rin sa pagganap na kontrabida.

“It’s an honor na masasampal at masasabunutan ko si Miss Jean Garcia.

"It was really terrifying for me, yun ang word, kasi natakot ako. Hindi pa ako nakipagsampalan nang ganyan.

"The last time yata na nakipagsampalan ako was with Miss Sharon Cuneta.

“Itong si Miss Jean, e, pinapanood ko nga yung Lolong at saka napanood ko siya dati as Claudia."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama sina Michelle at Sharon sa 1997 movie ng Viva Films na Wala Nang Iibigin Pang Iba.

Gumanap si Jean bilang Claudia Buenavista sa Pangako Sa 'Yo, ang drama series ng ABS-CBN noong 2000.

Pagpapatuloy ni Michelle, "So, may kaba, pero as I’ve said, napaka-supportive talaga niya.

“Tinuruan niya ako kung papaano kami hindi magkakasakitan at kung papaano namin madadaya sa kamera.

"So, I’m really really grateful kasi talagang I feel I’m in safe hands kay Jean."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at iba pang reporters si Michelle sa digital media conference ng Nakarehas Na Puso na naganap nitong Huwebes ng hapon, September 15.

Kontrabida pero markadong-markado ang karakter ni Michelle sa Nakarehas Na Puso kaya may dahilan para ibida niya ang kanyang piniling comeback project.

Kitang-kita sa official trailer ng Nakarehas Na Puso na importante sa kuwento nito ang papel na ginampanan ni Michelle, na nakipagtagisan nang husto kay Jean sa pag-arte.

Saad ng beauty queen-turned-actress, “Marami naman mga project na ipinapasok dati pa, pero nang ibigay sa akin ito, nabasa ko yung synopsis. Nakita ko yung role.

"Sabi ko, ito na talaga. It’s very challenging kasi hindi pa ako nakaarte ng isang kontrabida na sobrang kontrabida, and this is my first teleserye.

“Noong umalis ako, telemovies pa lang. Tapos ito, ang haba. Makikita mo talaga ang back story ng bawat karakter.

"So, sabi ko, gusto ko ito. Maganda ito, subukan na natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At saka time na rin kasi malalaki na rin yung mga anak ko. Pupuwede na akong magpabalik-balik. Meron talagang time sa lahat at ito na siguro ang oras."

Hindi pa masagot ni Michelle ang tanong kung tuluy-tuloy na ang pagiging aktibo niya sa pag-arte.

“I look back kasi kailangan naman natin makita yung history para matuto tayo, pero I always take one step forward at nakatingin ako sa hakbang ko.

“Sa present moment muna ako. Titingnan ko muna at ini-enjoy ko. We’re still taping. Marami akong natututunan,” pahayag ni Michelle.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comebacking actress Michelle Aldana on Nakarehas Na Puso co-star Jean Garcia: "Napaka-supportive talaga niya. Tinuruan niya ako kung papaano kami hindi magkakasakitan at kung papaano namin madadaya sa kamera. So, I’m really really grateful kasi talagang I feel I’m in safe hands kay Jean."
PHOTO/S: @therealmichellealdana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results