Allmo$t, tumatanggap na ng gig matapos magpahinga dahil sa pandemya

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2022
allmo$t group pic
Rap group Allmo$t: “Ang laki rin ng tulong sa amin ng pandemic kasi mas tumutok kami sa music. Ginawa kami na mas creative. Imbes na magmukmok sa gilid, nag-explore kami.”

Ni minsan, hindi pumasok sa isip ng mga miyembro ng popular rap group na Allmo$t na maghiwalay noong kasagsagan ng coronavirus pandemic para maghanap ng ibang mga trabaho dahil sa kawalan ng mga show.

Sina Clien Alcazar, Russell dela Fuente, Jomuel "Jom" Casem, at Angelo Luigi "Crakky" Timog ang mga miyembro ng Allmo$t.

Ang social media craze na "Dalaga" ang kanilang kauna-unahang hit song.

Ayon sa mga miyembro ng Allmo$t, umuwi muna sila sa kanya-kanyang tahanan nang lumala ang pandemya.

Pero imbes na magmukmok sa isang sulok, ginawa nilang kapaki-pakinabang ang kanilang oras sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga bagong kanta at pagpapalitan ng mga ideya.

“Ang laki rin ng tulong sa amin ng pandemic kasi mas tumutok kami sa music. Ginawa kami na mas creative. Imbes na magmukmok sa gilid, nag-explore kami,” nagkakaisang pahayag ng mga miyembro ng Allmo$t.

Tumatanggap na ngayon ng mga live show ang Allmo$t dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagtatanghal nila sa isang bayan sa Nueva Vizcaya ang isa sa mga hindi malilimutan ng Allmo$t dahil dinumog sila ng mga taong sabik na makita sila nang personal.

Kuwento nila, “After ng gig namin, nasa van na kami, may mga tao sa labas. Talagang pinagpapalo yung van.

“Nung umandar na yung van, dinala kami sa hotel, pagdating namin sa hotel, yung mga tao humabol para lang magpa-picture.”

To date, may 200 million streams na ang mga kanta ng Allmo$t sa Spotify, at aabot sa kalahating bilyon ang listens at views kapag isinama ang YouTube views sa kanilang mga music video.

Ang mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang mga awit ang dahilan kaya naglabas ng bagong single ang Allmo$t, ang "Larawan."

May '80s retro-vibed tune ito at tungkol sa isang minamahal na lumayo na nilagyan nila ng social relevance, ang “environmentalism.”

Ibinalita rin ng Allmo$t na bukod sa bagong release na "Larawan," may mga gospel at Christmas song sila na hindi pa nila inilalabas na akmang-akma sana para sa darating na Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rap group Allmo$t: “Ang laki rin ng tulong sa amin ng pandemic kasi mas tumutok kami sa music. Ginawa kami na mas creative. Imbes na magmukmok sa gilid, nag-explore kami.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results