Aktres na nabuntis ng kanyang boyfriend na aktor, nakunan

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Totoong nagbuntis ang isang aktres pero hindi na matutuloy ang pagiging nanay niya dahil nakunan siya.

Artista rin ang ama ng sanggol na ipinagbuntis ng aktres at handa itong panagutan ang kanyang girlfriend. Pero sa kasamaang-palad, nalaglag ang magiging panganay na anak nila.

Responsable ang aktor dahil nang malaman nito ang kalagayan ng kanyang karelasyon, kinausap niya ang mga magulang ng aktres para sabihin ang katotohanan.

Handang-handa na ang aktor sa bagong kabanata ng buhay niya bilang isang ama dahil sa kanyang simpleng katuwiran na nasa legal na edad na sila ng aktres para bumuo ng pamilya.

In fact, hindi inilihim ng aktor sa mga malalapit na kaibigan at mga katrabaho niya ang pagbubuntis noon ng aktres. Hindi sinungaling ang aktor na pinupuri ang kabaitan.

Kung tatanungin ang aktor tungkol sa mga personal na nangyayari sa kanyang buhay, tiyak na aaminin niyang nagbunga ang pagmamahalan nila ng aktres. Pero nakunan nga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naudlot man ang pagiging magulang nila, lalong tumibay ang pagmamahalan ng aktor at ng aktres na nagsasama ngayon sa isang condominium building sa Quezon City.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
blind item, pep blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results