Ricci Rivero, hindi nahatid ni Andrea Brillantes papuntang Taiwan

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2022
ricci rivero airport
Lumipad na papuntang Taiwan ang basketball star na si Ricci Rivero para sa paglalaro niya sa koponan ng Taoyuan Pilots ng PLeague+, ang professional basketball league ng naturang bansa.
PHOTO/S: Courtesy of Ricci Rivero

Lumipad na papuntang Taiwan ang basketball player at aktor na si Ricci Rivero kahapon, September 19, 2022.

Magsisimula na ang paglalaro niya para sa Taoyuan Pilots ng PLeague+, ang professional basketball league ng naturang bansa.

Read: Ricci Rivero is first Asian to play as world import in Taiwan's professional basketball league

Sampung buwan mawawala si Ricci sa Pilipinas dahil sa bagong kabanata ng buhay niya bilang basketball player.

Magsisimula ang kanyang training, kasama ang ibang manlalaro ng Taoyuan Pilots, kapag nakumpleto ng Filipino athlete ang mandatory 7-day quarantine.

Ang pamilya ni Ricci ang naghatid sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport. May plano silang sumunod sa Taiwan para bisitahin at panoorin ang mga laro ng actor-basketball player kapag maluwag na ang COVID protocols ng nabanggit na bansa.

“I know that the adjustment of moving away from my home country will be difficult but with the support of over 150,000 Filipinos working and living there, I believe I won’t feel alone,” pahayag ni Ricci bago ito sumakay sa eroplano na naghatid sa kanya sa Taiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, “Humuhugot po ako ng lakas ng loob mula sa mga Pilipino na matagal din nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanilang mga pamilya. Sila po ang inspirasyon ko.

“Gagawin ko po ito para rin sa aking pangarap. Hihingi na lang po ako ng dasal at suporta.

"Hindi po magiging madali ang susubukan kong karera. Hihingi po ako ng tulong ninyo. Maraming salamat po.

"See you in our games, please support me and my Team Taoyuan Pilots."

Para sa mga nagtatanong kung bakit hindi naghatid sa airport ang girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes, wala sa Pilipinas ang aktres dahil lumipad naman ito sa Thailand para sa isang commitment.

Sa loob ng sampung buwan, long-distance relationship muna ang kategorya ng kanilang relasyon na opisyal na nag-umpisa noong Abril 2022.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumipad na papuntang Taiwan ang basketball star na si Ricci Rivero para sa paglalaro niya sa koponan ng Taoyuan Pilots ng PLeague+, ang professional basketball league ng naturang bansa.
PHOTO/S: Courtesy of Ricci Rivero
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results