Maroon 5 frontman Adam Levine, inakusahan ng pagtataksil sa asawa

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2022
adam levine sumner stroh
Adam Levine (left) on allegation that he had an affair with Somner Stroh (right): "I did not have an affair, nevertheless, I crossed the line during a regrettable period in my life. In certain instances it became inappropriate; I have addressed that and taken proactive steps to remedy this with my family. My wife and my family is all I care about in this world."
PHOTO/S: @adamlevine / @sumnerstroh on Instagram

Lalong naging kontrobersiyal ang isyu na kinakaharap ni Adam Levine dahil nadagdagan ang bilang ng mga kababaihang lumantad at nagsabing nakatanggap din sila ng mga flirty message mula sa lead singer ng pop rock band na Maroon 5.

Isang babaeng may pangalang Maryka at si Alyson Rosef ang dalawa sa mga naglabas ng mga screenshot ng mga "inappropriate message" na natanggap umano nila mula kay Levine.

Ayon kay Rosef, nagdesisyon siyang i-post ang mga screenshot ng palitan nila ni Levine ng mga mensahe dahil naaawa siya kay Behati Prinsloo, ang asawa ng sikat na singer na buntis ngayon sa kanilang pangatlong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa ang paratang na pandaraya ni Levine sa misis nito dahil sa viral TikTok video ng Instagram model na si Sumner Stroh, kung saan isiniwalat niya ang tungkol umano sa halos isang taong relasyon nila ng Maroon 5 frontman.

Sinabi rin ni Stroh na gusto ni Levine na ipangalan sa kanya ang sanggol na ipinagbubuntis ni Behati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napilitan umano si Stroh na magsalita dahil sa kaibigan niyang nagplanong ibenta sa isang tabloid ang mga screenshot ng mga pribadong mensahe nila ni Levine sa isa’t isa.

Labanan sa social media ang nangyari dahil kung ang TikTok ang ginamit ni Stroh, ang Instagram story naman ang naging instrumento ni Levine nang itanggi nito ang mabigat na paratang ng modelo.

Pahayag niya: "A lot is being said about me right now and I want to clear the air. I used poor judgment in speaking with anyone other than my wife in ANY kind of flirtatious manner.

“I did not have an affair, nevertheless, I crossed the line during a regrettable period in my life.

"In certain instances it became inappropriate; I have addressed that and taken proactive steps to remedy this with my family. My wife and my family is all I care about in this world.

“To be this naive and stupid enough to risk the only thing that truly matters to me was the greatest mistake I could ever make. I will never make it again. I take full responsibility. We will get through it. And we will get through it together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng kanyang depensa, marami ang naniniwalang guilty siya ng pandaraya sa asawa niya dahil sa paglantad nina Maryka at Rosef.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Adam Levine (left) on allegation that he had an affair with Somner Stroh (right): "I did not have an affair, nevertheless, I crossed the line during a regrettable period in my life. In certain instances it became inappropriate; I have addressed that and taken proactive steps to remedy this with my family. My wife and my family is all I care about in this world."
PHOTO/S: @adamlevine / @sumnerstroh on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results