Jeric Gonzales, "true superstar" ang pagkakakilala kay Bea Alonzo

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2022
jeric gonzales bea alonzo smiling
Jeric Gonzales on Bea Alono: "Of course, na-intimidate ako sa kanya at first kasi na-starstruck ako. She’s my idol na dati pinapanood ko lang ang movies niya tapos ngayon kaharap ko na siya at kaeksena pa."
PHOTO/S: Noel Orsal

"True superstar" ang pagsasalarawan at pagkakakilala ni Jeric Gonzales kay Bea Alonzo dahil nasaksihan niya nang personal ang magandang ugali ng aktres nang magkasama sila sa Start-Up PH.

Mapapanood ang Start-Up PH sa GMA-7 simula sa September 26, 2022.

Bago pa man sila nagtagpo ni Bea sa set ng Philippine adaptation ng sikat na Koreanovela, malakas na ang kutob ni Jeric na mabuting tao ang lead actress ng Start-Up PH.

Saad ng Kapuso actor sa exclusive interview ng Cabinet Files, “Ang impression ko sa kanya, parang na-feel ko na she’s a very nice person naman and kind from the very start kasi hindi siya suplada.

“Siya pa ang nag-introduce sa akin sa aming direktor na si Direk Jerry Sineneng.

“Na-discover ko kay Bea na she’s a very down-to-earth person. She always support me sa every scene at talagang may care siya sa mga katrabaho niya.

“Of course, na-intimidate ako sa kanya at first kasi na-starstruck ako. She’s my idol na dati pinapanood ko lang ang movies niya tapos ngayon kaharap ko na siya at kaeksena pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nandoon yung intimidation na baka hindi ko magawa nang tama ang role ko pero na-overcome ko by focusing in every scene and, siyempre, with the help of Bea.

“Talagang pinapa-feel niya ang ang kanyang support sa lahat ng mga eksena namin.”

Lalo raw tumaas ang respeto ni Jeric sa aktres dahil sa mga kabutihang ipinamalas sa kanya.

“Tumaas ang respeto ko sa kanya nang makita ko na kahit superstar si Bea, she make ways to connect and help people on the set para mas lalong gumanda ang lahat para sa show namin. Hindi siya maramot na artista.

“Natuto ako sa kanya ng professionalism at yung pagiging humble talaga. Her feet is always on the ground. I never saw her na hindi mabait sa lahat and she’s very patient. She’s a true superstar.”

May bloopers o funny moments ba sila ni Bea sa set ng Start-Up PH na hindi mapapanood sa telebisyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami!” natatawang sagot ni Jeric.

“Hindi ko makalilimutan yung takot na takot si Bea sa penguin dahil takot pala siya sa mga hayop.

“E, may scene kami na kailangan namin pakainin ang mga penguin. Talagang todo ang kapit at bulong niya na ‘Oh my God, lalapit siya dito! Lalapit siya!’

“Grabe yung takot ni Bea. Hindi niya mapakain ang penguins kaya hinahagis na lang niya sa malayo ang food!”

Nagbida na si Jeric sa mga nakaraang drama series ng Kapuso Network, pero ang Start-Up PH ang itinuturing niyang pinakamalaking break at project na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

Lubos ang pasasalamat ni Jeric sa home studio nito.

Inamin niya ang matinding kabang naramdaman nang malaman niyang importante sa kuwento ng Start-Up PH ang kanyang binigyang buhay na karakter.

“Kinabahan ako na may halong excitement pero mas lamang ang excitement kesa sa kaba dahil matagal ko nang hinihintay ang ganitong kalaki na project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This is my chance to show my talent as an actor and prove na I can act and be one of the leading men of GMA-7,” pahayag niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on Bea Alono: "Of course, na-intimidate ako sa kanya at first kasi na-starstruck ako. She’s my idol na dati pinapanood ko lang ang movies niya tapos ngayon kaharap ko na siya at kaeksena pa."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results