Bea Binene, lumipat na sa Viva Artists Agency; magiging Kapuso pa rin kaya?

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2022
bea binene in white
Pagkatapos ng 17 taon bilang contract star ng GMA Network ay lumipat na ang aktres na si Bea Binene sa Viva Artists Agency.
PHOTO/S: @beabinene on Instagram

Opisyal na ipakikilala si Bea Binene bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment, bukas, September 23, 2022.

Homegrown talent ng GMA Network Inc. si Bea dahil nagsimula ang showbiz career niya nang sumali siya sa edad na anim sa StarStruck Kids noong 2004.

Ang StarStruck ang reality-based artista search ng Kapuso Network. Hindi man siya ang nanalo, nagtuluy-tuloy ang acting profession ni Bea sa tulong at patnubay ng GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network Inc.

Noong April 2021, ikinagulat at ikinalungkot ng mga tagahanga ni Bea nang magpasya ang GMA-7 na huwag nang i-renew ang kanyang exclusive contract, makalipas ang labimpitong (17) taon.

Read: Bea Binene wala nang exclusive contract sa GMA-7 pero mananatiling Kapuso

Pero nagkaroon naman ng bagong talent ang Kapuso Network na Bea rin ang pangalan, si Bea Alonzo, na nanggaling sa ABS-CBN at pumirma ng kontrata noong July 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo inks exclusive contract with GMA Network

Kahit hindi na siya pinapirma ng bagong kontrata ng dating home studio niya, binigyan pa rin si Bea Binene ng proyekto bilang guest sa afternoon drama series na The Fake Life.

Mula noon, wala nang masyadong balita tungkol kay Bea hanggang magdesisyon siyang umanib sa Viva Artists Agency.

Naniniwala ang mga sumusuporta kay Bea na magiging visible na uli siya sa showbiz at mabibigyan ng mga proyekto dahil agresibo ang Viva Films sa paggawa ng mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan at napapanood sa streaming site na Vivamax.

Magdiriwang si Bea ng ika-25 taon na kaarawan sa November 7, at ang pagkakaroon niya ng bagong tahanan ang isa sa mga early birthday gift na kanyang natanggap.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 17 taon bilang contract star ng GMA Network ay lumipat na ang aktres na si Bea Binene sa Viva Artists Agency.
PHOTO/S: @beabinene on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results