PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford shares hell episode in life

Pinahanga na naman ni Billy sa show ang mga hurado at netizens.
by Jojo Gabinete
Published Sep 24, 2022
Left: Billy Crawford publicity from Danse avec le stars. Right: Screengrab from Billy Crawford's performance in Danse avec le stars.
"I’ve already been through hell. I no longer wanted to live,” English translation ng pagbabahagi ni Billy Crawford na fluent sa French. Inilahad ni Billy kung paano siya naka-relate sa awiting ginamit sa latest performance nila ng partner niyang si Fauvre Hautot sa French dance competition show na Danse avec le stars.

Muling pinahanga ni Billy Crawford sa September 23 episode ang mga hurado at viewers ng Danse avec les stars, ang sikat na dance competition program na napapanood tuwing Biyernes sa TF1 (Télévision Française 1) ng France.

Nagkaisa ang mga hurado ng French version ng Dancing with the Stars sa kanilang opinyon na sa mga celebrity contestant, si Billy at ang kanyang kapareha na si Fauve Hautot ang naghatid ng “most moving performance.”

Sa katapusan ng kanyang dance performance, napaluha si Billy na ipinakita ang emosyon ng isang taong nakaranas ng maraming pagsubok sa buhay kaya masigabong palakpakan ang tinanggap niya mula sa mga manonood.

“You gave me goosebumps. You were in symbiosis, it was very touching” at “It’s completely crazy what we just saw,” ang mga komento ng mga hurado na sina Francois Alu at Chris Marques sa ipinamalas ni Billy na pagtatanghal.

Ang performance ni Billy ay tiyak na magpapaalala sa mga Pilipino ng production numbers na ginagawa niya at ng ibang mga miyembro ng defunct youth-oriented television show na That’s Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya noon pa man, tila inihanda at sinanay na siya para sa kanyang kapalaran sa international entertainment career.

Ang Israeli singer na si Stéphane Legar ang mahigpit na nakatunggali ni Billy sa special duel episode ng Danse avec les stars.

Nahirapan ang mga hurado dahil parehong mahusay ang dalawa na ikinumpara nila sa “two starred chefs." Pero sa huli, ibinigay nila sa international Filipino star ang kanilang mga boto.

Ang "L’enfer" na inawit ng Belgian singer-songwriter na si Stromae ang ginamit nina Billy at Fauve sa kanilang madamdamin na pagsasayaw na umani ng mga papuri mula sa mga hurado at netizens.

Ang performance ni Billy Crawford at partner niyang si Fauvre Hautot sa September 23, 2022 episode ng Danse avec le stars.

"Hell" ang English translation ng "L’enfer" at sa interview kay Billy, inamin niya ang kanyang mga pinagdaanan na “hell” tulad ng depression at post-hit alcoholism.

“It speaks to me because I’ve already been through hell. I no longer wanted to live,” ang English translation ng pahayag ni Billy na fluent sa salitang French.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rebelasyon niya ito tungkol sa “freak out” attitude niya nang maging matagumpay ang kanyang singing career sa Europe noong 2000.

Sinabi ni Billy na nagbago at nagkaroon ng direksyon ang takbo ng buhay niya nang makilala niya si Coleen Garcia, ang babae na kanyang pinakasalan at ina ng two-year-old son nilang si Amari.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I’ve already been through hell. I no longer wanted to live,” English translation ng pagbabahagi ni Billy Crawford na fluent sa French. Inilahad ni Billy kung paano siya naka-relate sa awiting ginamit sa latest performance nila ng partner niyang si Fauvre Hautot sa French dance competition show na Danse avec le stars.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results