PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Late actress Susan Henson struggled in life after showbiz

Inurment ng cremated remains ni Susan Henson, nakatakda sa September 28.
by Jojo Gabinete
Published Sep 27, 2022
susan henson old photos
Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang cremated remains ng dating aktres na si Susan Henson sa September 28, 2022.

Nakatakda ang inurnment sa abo ng dating aktres na si Susan Henson bukas ng alas dose ng tanghali, September 28, 2022.

Pumanaw si Susan dahil sa cervical cancer noong September 21. Siya ay 64.

Ilalagak ang mga labi ng dating aktres sa Nativity of Our Lord Parish sa 151 Ermin Garcia St. Barangay E. Rodriguez sa Cubao, Quezon City.

Pero magdaraos muna ng banal na misa sa ganap na alas-diyes ng umaga kaya iniimbitahang dumalo ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

susan henson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang acting career ni Susan noong 1975 matapos niyang manalo bilang Miss Young Republic of the Philippines.

Kinilala si Susan bilang isa sa mga aktres na nagtataglay ng pinakamagandang mukha noong aktibo pa siya sa showbiz, pero naranasan niya ang mahirap na pamumuhay nang mawalan ng mga movie assignment.

Noong mga huling taon ng kanyang buhay, nasubukan ni Susan na magtinda ng mani para makaraos sa araw-araw hanggang magkaroon siya ng cervical cancer.

Ang mga beteranong artista na miyembro ng Balik Samahan ang tumulong kay Susan nang magkasakit ito at sila rin ang nag-aasikaso sa pagpapalibing sa mga labi ng pumanaw na aktres.

Nagbigay rin ng financial help kay Susan si Senator Lito Lapid.

Mula sa Salvador clan si Susan dahil ang half-brother nina Phillip at Leroy Salvador na si Bobby ang kanyang ama.

Pinsan at sister-in law ni Susan ang character actress na si Deborah Sun, na anak ni Leroy kay Baby Porcuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kapatid sa ama ni Susan ang ama ng panganay na anak ni Deborah kaya bukod sa pagiging magpinsan, hipag din nila ang isa’t isa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang cremated remains ng dating aktres na si Susan Henson sa September 28, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results