PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former child star Marco Masa, umaani ng papuri sa Start-Up PH

Binata na ang dating Nathaniel child star!
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2022
Marco Masa
Alden Richards
Ang former child actor na si Marco Masa (kaliwa) ang gumaganap bilang young Alden Richards (kanan) sa Start-Up PH. Una siyang nagbida sa ABS-CBN teleserye na Nathaniel noong 2015.

Ang former child actor na si Marco Masa ang gumaganap na young Alden Richards sa Philippine adaptation ng GMA-7 sa South Korean television series na Start-Up.

Mapapanood si Marco sa limang episodes ng primetime romance drama na pinangungunahan nina Alden at Bea Alonzo.

Marami ang namalik-mata sa mga unang eksena ni Marco sa Start-Up dahil hindi sila makapaniwala na binata na ang child star na nagbida noong 2015 sa Nathaniel, ang teleserye ng ABS-CBN. Nagulat sila dahil hindi nila inaasahang talent na si Marco ng GMA-7.

Marco Masa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fifteen years old na si Marco at tumatanggap ng mga papuri ang kanyang mahusay na pagganap bilang young Alden sa Start-Up. Napansin din ng viewers ng program na may slight resemblance sila sa isa’t isa sa kanilang mga eksena.

Marco Masa
Alden Richards

Ikinatuwa ng Kapuso Network viewers na napapanood na nila sa mga programa ng GMA-7 ang batang aktor na dating contract star ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang special participation ni Marco ang pinupuri dahil napatunayan nila na totoo ang sinabi ni Alden na nilagyan ng “Filipino flavor” ang Tagalog version ng Start-Up.

May mga eksena sa South Korean version na kopyang-kopya sa Philippine adaptation pero mas may puso ito kaya nakaka-relate nang husto ang mga Pilipino.

Hindi ito ang unang pagkakataong lumabas na higit na maganda ang mga Philippine adaptation kumpara sa original Korean version ng mga television show at pelikula dahil nasubukan na ito sa Miracle in Cell No.7.

Mismong ang Korean producer at director ng Miracle in Cell No.7 ang nagpahayag na mas maganda ang pagkakagawa ng mga Pilipino nang panoorin nila ang Tagalog adaptation ng pelikula na pinagbidahan ni Aga Muhlach noong 2019, at napupuna rin ito sa sariling bersyon ng GMA-7 sa Start-Up.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang former child actor na si Marco Masa (kaliwa) ang gumaganap bilang young Alden Richards (kanan) sa Start-Up PH. Una siyang nagbida sa ABS-CBN teleserye na Nathaniel noong 2015.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results