PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alma Moreno on depression experienced by son Vitto Marquez

Alma Moreno lubos ang pasasalamat na nalampasan ng anak ang pagsubok.
by Jojo Gabinete
Published Oct 2, 2022
Alma Moreno and son Vitto Marquez
Masaya si Alma Moreno na nalampasan ng anak na si Vitto Marquez ang depresyon na dulot ng pandemya at pagkawala ng Hashtags sa It's Showtime.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Buong-buo ang suporta na ibinigay ni Alma Moreno sa kanyang anak na si Vitto Marquez nang dumanas ito ng matinding depresyon.

Nag-ugat ang depresyon ni Vitto nang mawala sa It’s Showtime ang grupong kinabibilangan niya na Hashtags dahil sa pandemya at sa problema ng ABS-CBN sa franchise.

Nung nawala raw siya sa show, nahirapan siyang makatulog sa gabi, at umaabot pa raw sa puntong umiiyak siya.

Nakaapekto rin nang matindi sa mental health ni Vitto ang lockdown na inakala niyang hanggang dalawang buwan lamang, pero matagal na ipinatupad.

"Nung na-extend, nagkabaliw-baliw na ako,” ang rebelasyon ng anak ni Alma jay Joey Marquez.

Bukod sa kawalan ng tulog at madalas na pag-iyak, naranasan din ni Vitto na makarinig sa kanyang tenga ng boses na nagsasabing wala siyang kuwenta.

Nawalan si Vitto ng drive sa buhay, at, maging ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ng Viva ay tinanggihan niya lahat dahil sa pangambang baka magbigay lamang siya ng problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang matinding depresyon din ang dahilan kaya nagkulong si Vitto sa kuwarto, at lalong napadalas ang kanyang pag-iyak to the point na pumasok sa isip niyang tapusin ang sariling buhay.

Pero nalampasan niya ang lahat ng pagsubok dahil sa suporta ng pamilya at professional help.

Lubos ang pasasalamat ni Alma nang makausap siya ng Cabinet Files sa media conference noong September 28, 2022, ng Kalye Kweens, ang TV5 sitcom na tinatampukan nila ni Vitto,.

Aniya, "Na-depress siya. Nagkaroon siya ng anxiety, pero sa awa naman ng Diyos, gumaling siya.

"Nilabanan niya 'tapos ipaparamdam mo lang sa kanya na nandiyan ka, yung family.

"Nandoon palagi kami. Nung time na iyon, sa akin naman siya nakatira so palagi kaming magkasama. Buti na lang, kasama ko pa rin siya sa bahay,” ang kuwento ni Alma na nasaksihan at nasubaybayan ang pagsubok na pinagdaanan ng kanyang anak.

Maayos na maayos na ang itsura ni Vitto nang dumalo siya sa media conference ng Kalye Kweens. Hindi mababakas sa mukha at katawan niya ang ipinagtapat nitong pumangit at tumaba siya dahil sa depresyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi siya nagkuwento, hindi ito mahahalatang meron siyang matinding pinagdaanan.

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Alma Moreno na nalampasan ng anak na si Vitto Marquez ang depresyon na dulot ng pandemya at pagkawala ng Hashtags sa It's Showtime.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results