PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres na nasangkot noon sa droga, nabigyan ng showbiz comeback

Pa-sexy ang image niya!
by Jojo Gabinete
Published Oct 9, 2022
blind item female
Makulay ang buhay ng aktres na nalulong noon sa masamang bisyo at kasama sa mga showbiz personality na nadakip sa isang buy-bust operation noon.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Nabigyan ng second chance sa showbiz ang aktres na produkto ng reality based-artista search television program dahil kabilang siya sa mga bida ng isang mapangahas na pelikula.

Iba na ang ginagamit na screen name ng aktres na 23 years old nang sumali sa talent search program.

Labimpitong taon (17) na ang nakalilipas at kung susumahin, kuwarenta na ang edad niya ngayon, pero hindi mahahalata sa kanyang seksi na pangangatawan kaya malakas ang loob niya na maghubad sa harap ng kamera.

Makulay ang buhay ng aktres na nalulong noon sa masamang bisyo at kasama sa mga showbiz personality na nadakip sa isang buy-bust operation, pero nakalaya siya at sinusubukan na ituwid ang mga pagkakamali.

Magtuluy-tuloy na sana ang pagbabago ng aktres at matuto na siya na pahalagahan ang malaking pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya para makabalik sa showbiz, kahit mapapansin na may epekto sa pagsasalita niya ang dating masamang bisyo.

Hindi nag-iisa ang aktres sa pagbabalik nito sa showbiz dahil pinipilit na rin na bumalik sa pag-arte ng kanyang kaibigan na aktres na kasama sa mga dinakip sa buy-bust operation noon na nagpabago sa takbo ng kanilang mga buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makulay ang buhay ng aktres na nalulong noon sa masamang bisyo at kasama sa mga showbiz personality na nadakip sa isang buy-bust operation noon.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results