PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Panlalait ng entertainment personality, narinig ng bisitang artista

Entertainment personality, bait-baitan lang sa harap ng kamera.
by Jojo Gabinete
Published Oct 12, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nalagay sa alanganin at nakakahiyang sitwasyon ang isang sikat na entertainment personality, pero ito rin ang dapat sisihin dahil bukod sa hindi nag-ingat sa pagsasalita, naging insensitive siya sa damdamin ng ibang tao.

Nangyari ang insidente bago inumpisahan ng entertainment personality ang panayam niya sa bisitang artista.

Bago humarap sa kamera, nagtanong ang entertainment personality sa isang miyembro ng production staff kung bakit ang artista ang special guest niya.

Nagsalita ang entertainment personality na baka hindi mag-rate ang kanilang programa dahil may masamang bisyo naman daw ang artista na nakatakdang kausapin niya.

Walang kamalay-malay ang entertainment personality na naririnig ng kanyang special guest ang lahat ng mga masasakit na salita na sinasabi niya.

Hindi nakatiis ang kausap ng entertainment personality kaya ibinulong niyang katabi lamang nila ang bisita at dinig na dinig nito ang mga litanya ng host ng programa.

Nang magsimula ang pakikipag-usap ng entertainment personality sa bisitang artista, halatang-halata ang kanyang pagpapanggap dahil puro papuri ang mga namutawi mula sa bibig niya para makabawi sa kahihiyang siya rin ang may kagagawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumobra ang pagkukunwari ng entertainment personality na biglang nagreklamong baka magkaroon siya ng sipon dahil sobrang malamig ang aircon sa loob ng studio para ma-divert ang atensiyon ng lahat bilang nalaman nga niyang narinig ng pobreng bisita ang kanyang mga panlalait.

Sa kabutihang-palad, mataas ang rating ng guesting ng artista kaya vindicated ito.

Pero nakatatak na sa utak niya ang mapanghusgang ugali ng entertainment personality na masyadong mataas ang tingin sa sarili at nagbabait-baitan lamang sa harap ng kamera.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results