Ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN Film Productions (Star Cinema) tungkol sa mga rebelasyon ni former Pinoy Big Brother Otso housemate Rhys Miguel laban sa kapwa aktor Patrick Quiroz ay pagpapatibay na may katotohanan ang reklamo niya.
Inakusahan ni Rhys si Patrick ng pang-aabuso sa kanya.
Read: Ex-PBB housemate Rhys Miguel accuses singer-actor Patrick Quiroz of inappropriate sexual behavior
Ang ABS-CBN Films ang namamahala sa produksiyon ng He's Into Her, ang pinagsamahang romantic-comedy series nina Rhys at Patrick na napanood sa iWantTFC mula May 30, 2021 hanggang August 1, 2021.
Sa lock-in taping ng naturang serye noong December 2020 nangyari ang sinasabing insidente ni Rhys.
Sina Rhys at Patrick ay dating talents ng ABS-CBN at Rise Studio Artists, ang training and management subsidiary ng ABS-CBN Films, sa pakikipagtulungan sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Parehong wala na ngayon sa bakuran ng Kapamilya network ang dalawa.
Nakasaad sa pahayag ng ABS-CBN Film Productions:
“Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Film Productions Inc. [AFPI], immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly took appropriate action to protect the rights of everyone involved. AFPI takes these matters seriously.
"The safety, dignity, and privacy of our people are our utmost priority."

Pero kung hindi pa nagsalita si Rhys tungkol sa kanyang “traumatic experience” na matagal nang nangyari, hindi pa malalaman ng publiko ang pinagdaanan niya.
Nadagdagan ang isyu nang lumantad ang aspiring actor na si EJ Panganiban.
Naging bahagi rin ng He's Into Her si EJ.
Sinuportahan at pinatotohanan ni EJ ang mga rebelasyon ni Rhys sa pamamagitan ng post sa kanyang personal Facebook account noong Miyerkules ng madaling-araw, October 12, 2022.
“Finally nagsalita ka rin bro Rhys Miguel, kala ko kakalimutan na lang natin hahah, no. Saksi kami niyan sa HIH and tinry niya din kami maging victim but he [Patrick] failed.
“Makikitulog daw siya etc sa room namin sa lock-in taping kasi closed na pinto nila and nung tulog ako nag attempt siya halikan ako and do his thing.
“'Namimiss ko lang kuya ko' yan sabi niya sakin. And after non di na ko nakatulog kahit may shoot kinabukasan, yes kaya mukhang puyat nung hih. Wala talagang tulugan para bantayan tong manyak na to."
Sabi pa ni EJ tungkol sa sinabi niyang sariling karanasan kay Patrick: "Tama ka na Patrick Quiroz".
Ipinost niya ito ilang oras matapos magsalita ni Rhys sa social media.

Ang Facebook post ni EJ ang dahilan kaya napagsabihan ito ng mga taong may kinalaman sa kanyang showbiz career. Pinagbawalan siyang magsalita.
Pero nabigo ang mga ito dahil nagsalita pa rin ang aspiring actor tungkol sa insidenteng kinasasangkutan umano nila nina Rhys at Patrick.
May mga haka-hakang ayaw pagsalitain si EJ ng mga nasa paligid nito dahil makakaapekto ang rebelasyon sa mga kasamahang artistang may programa sa ABS-CBN.
Hindi pa nagsasalita at ipinagtatanggol ni Patrick ang sarili sa mabibigat na paratang nina Rhys at EJ.
Limitado na rin ang mga puwedeng magkomento sa Instagram account ni Patrick, at disabled na ang comments sa kanyang pinakahuling Instagram post noong September 25, 2022.