PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raquel Pempengco, pinangalanan na ang papalit sa anak na si Charice

Jake Zyrus, naglasing at nagwala sa Amerika?
by Jojo Gabinete
Published Oct 14, 2022
raquel charice pempengco jake zyrus
Raquel Pempengco to aspiring singers: "Just keep it to yourself na kung alm mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko...hinde pa sikat feeling sikat na..Dami kong nakita na ganyan na di nag bloom ang career... Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION." Raquel (extreme left and second to the right) is the mother of singer Jake Zyrus (extreme right), formerly known as Charice (second from left).
PHOTO/S: Raquel Relucio Pempengco Facebook

May mga naintriga sa Facebook post ni Raquel Pempengco noong Huwebes, October 13, 2022.

Nilagyan niya ng caption na "This is it! May papalit na kay Charice" ang video ni Mary Khem Cabagte nang sumali ito sa "Tawag ng Tanghalan" singing contest ng It’s Showtime.

raquel pempengco post

Si Raquel ang estranged mother ni Charice Pempengco, ang trans man singer na kilala na ngayon sa pangalang Jake Zyrus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang mga kumontra sa paniniwala ni Raquel dahil para sa kanila, nag-iisa lamang si Charice kaya walang puwedeng pumalit sa kanya.

Bukod sa social media post niya tungkol kay Mary Khem, inihayag din ni Raquel sa Facebook account nito ang nakakaintrigang "unedited"na payo niya sa aspiring singers.

Nakasaad dito na kahit gaano pa raw kagaling ang isang tao, kung walang "connection at right decision" ay balewala ito.

Pinayuhan din ni Raquel ang lahat ng aspiring singers na "always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear" (sic).

Iyon daw ang payo ng American host na si Oprah Winfrey kay Charice nung nagsisimula pa lang ito.

Dagdag pa ng ina ni Charice/Jake: “Pag inuna ang yabang? sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan..

"Just keep it to yourself na kung alm mong magaling ka.

"Sa nakikita at obserbasyon ko...hinde pa sikat feeling sikat na..Dami kong nakita na ganyan na di nag bloom ang career...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION..yun lang...

"Real talk and Advice lang po...Based on my experienced."

Ngayong Biyernes, October 14, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Raquel tungkol sa kanyang mga makahulugang social media post.

Nagpaunlak siyang magpaliwanag.

Una, sinabi ni Raquel na napanood niya ang pagkanta ni Mary Khem, at ang pagkakahawig ng boses nito kay Charice ang kanyang napansin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Napanood ko siya. Hindi siya nanalo pero may hawig kay Charice ang kanyang pagkanta at boses. So, pinanood ko ang videos niya kaya naalaala ko ang anak ko nung time na Charice pa siya," paliwanag ni Raquel tungkol sa kanyang Facebook post tungkol sa "Tawag ng Tanghalan" contestant.

“Para naman sa lahat” ang paglilinaw ni Raquel sa kanyang pangalawang social media post tungkol sa "connection at right decision."

Paalaala rin daw ito sa mga taong nasa paligid ngayon ni Charice o Jake.

“Para sa lahat ‘yan at para na rin kay Jake kasi hindi maganda ang napipili niyang manager,” prangkang sabi ni Raquel.

Samantala, labis daw nag-alala si Raquel nang makarating sa kanya noong nakaraang buwan ang isyung may nakakita kay Jake na naglalasing at nagwawala raw sa Amerika.

Diumano, nami-miss ng kanyang anak ang dating tinatamasa nitong popularidad.

Kahit matagal nang walang komunikasyon sa kanyang anak, nangibabaw kay Raquel ang pagiging ina at pagmamahal kay Jake kaya nabagabag umano siya sa natanggap na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Nagulat din ako sa news na ‘yan. Kahit na may tampuhan kaming mag-ina, nabahala at nag-alala rin ako.

"Kasi nung time na ‘yan, madaling-araw sa Pilipinas, may narinig ako na tumawag sa akin na, 'Mie' [short for Mommy] na kaboses ni Charice kaya nag-panic ako.

“May tinawagan ako para tanungin kung totoo ang source ng news. Pinakontak ko ang nearest friends ni Charice sa kapatid niya.

“Nawala lang ang pag-aalala ko nung nakita ko na naka-online siya sa game niya.”

Tinanong namin si Raquel kung may pinagdaraanang depresyon ang kanyang anak.

Sagot niya, “Yun ang naririnig ko sa mga contact ko sa U.S. Wala naman akong magawa kundi ang ipagdasal na lamang siya.

“Siya naman ang lumayo sa amin. Hindi ko naman puwedeng isiksik ang sarili ko kung ayaw naman niya kaya prayers na lang ang maitutulong ko sa kanya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pempengco to aspiring singers: "Just keep it to yourself na kung alm mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko...hinde pa sikat feeling sikat na..Dami kong nakita na ganyan na di nag bloom ang career... Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION." Raquel (extreme left and second to the right) is the mother of singer Jake Zyrus (extreme right), formerly known as Charice (second from left).
PHOTO/S: Raquel Relucio Pempengco Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results