PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

This Band laughs off "tunog Grade V" comment

This Band, maiimbita na sa mga kasal dahil sa kanilang bagong single.
by Jojo Gabinete
Published Oct 20, 2022
this band members
This Band releases "Higit sa Sapat," their first-ever composition which is very different from their previous songs.
PHOTO/S: Viva Records

Isa sa mga masasakit na komento na natanggap ng This Band ay "tunog Grade V" daw ang kanilang mga kanta.

Ang This Band ang indie pop rock band na nasa likod ng monster hit hugot songs na "Kahit Ayaw Mo Na," "Hindi Na Nga," at "Di Na Babalik."

Read: Bagong single ng This Band mapantayan kaya ang kasikatan ng "Kahit Ayaw Mo Na?"

Sina Andrea Manzano (lead vocalist), Euwie Von Loria (songwriter at guitarist), Miccael Galvan (bassist), John Macaranas (drummer), Reymart Gubat (lead guitarist), at Melvin Carson (keyboardist) ang mga miyembro ng This Band.

Nagbahagi sila ng kuwento tungkol sa masasakit na salitang natanggap nila mula sa kanilang mga kritiko.

Anila, “Maraming nagsasabi na puro hugot na lang ang mga kanta. Sabi ng iba, 'Ano ba ‘yan, This Band, tunog Grade V?’

“Natawa na lang kami. Pero in our hearts and minds, kahit tunog Grade V kami, nakatulong kami sa pamilya, nakakatugtog kami ng gusto naming tugtugin, at masaya kami sa mga ginagawa namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nagpapaapekto ang This Band sa mga negatibong komento dahil mas pinahahalagahan nila ang opinyon ng nakararami na nakapagbibigay sila ng inspirasyon sa maraming tao.

Bago matapos ang 2022, inilunsad ng This Band ang "Higit sa Sapat," ang kauna-unahang komposisyon nila at ibang-iba sa mga nakasanayang hugot songs ng kanilang grupo.

“This is the first song of This Band na sinulat ng group,” sabi ni Euwie.

Pahayag naman ni Andrea, “Each band member is putting effort in writing their own songs [now]. I really didn’t before, but it’s a positive change for me in the band.”

Iniaalay raw ni Andrea ang "Higit sa Sapat" sa kanyang boyfriend.

Ang "Higit Sa Sapat" ang unang love song ng This Band na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga dahil hindi na mapanakit ng damdamin ang bagong single nila sa Viva Records.

Hindi pa nararanasan ng This Band na maimbitahang magtanghal sa mga kasalan dahil malulungkot ang kanilang mga kanta. Pero may nakikita silang pagbabago na mangyayari sa paglulunsad nila sa "Higit Sa Sapat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatawa lang isipin na mai-invite kami sa wedding tapos puro sawi yung songs.

"Pero most likely, because of this song, possibly baka makatugtog na kami sa isang wedding event!” natatawang sabi ng isa sa mga miyembro ng This Band.

Napatunayan daw ng banda na mas mabilis ang proseso kapag sariling komposisyon nila ang kanilang mga kanta.

“Mas mabilis ang process, walang pressure sa mga nagsusulat, kasi batuhan lang ng ideas.

"Hindi tulad nang dati na ipapadala lang sa amin ang demo, 'tapos kapag narinig na namin, wala nang mababago.

“Hindi katulad ng ginagawa namin ngayon na lahat involved. On the spot, puwede naming palitan. Puwede naming mabago ang idea.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This Band releases "Higit sa Sapat," their first-ever composition which is very different from their previous songs.
PHOTO/S: Viva Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results