Ang anak ni Angel Aquino na si Iana Bernardez ang leading lady ni Christian Bables sa Viva Films movie na Mahal Kita Beksman.
Ito ang kanyang itinuturing na pinakamalaking proyektong natanggap niya.

May nararamdamang pressure si Iana sa pagiging artista nito dahil nanay niya si Angel, pero nakatulong na ang tunay na apelyido ang kanyang ginagamit.
Read: Angel Aquino asks daughter Iana Bernardez to stop doing this one thing
Saad ni Iana, “Super pressure nga po kasi I’ve lived with her all my life. Kapag nasasabi po na pareho kami ng pananalita, mannerisms…
“Siyempre as a daughter, gusto ko rin naman na ma-build yung sarili kong identity.
“It’s such an honor po to be her daughter. One, dahil siguro hindi ako nag-come in to the industry na Aquino po yung gamit ko, laging may after thought na anak pala siya.
“At least, yung entrance ko po, kahit anong gawin ko, kung hindi man nila ako kilala as Iana Bernardez muna, then after yung, 'Ay, kaya pala magkaboses, magkamukha,' the pressure, dun nababalanse.
“But also, kapag nasasabi po na kahulma ko siya, kamukha, it’s an honor because sino ba naman ang mahihiyang kamukha raw siya ni Angel Aquino?
"Siya yun, e, so natutuwa po ako."
Bukod sa artista, isa si Iana sa mga producer ng Babae at Baril, ang 2019 critically-acclaimed movie ni Janine Gutierrez.
Ang Gusto Kita with All My Hypothalamus (2018) ang unang pelikulang ginawa ni Iana.
Siya ang nanalong best supporting actress sa Cinema One Originals noong 2019 dahil sa kanyang mahusay na pag-arte sa Metamorphosis.
Gumanap siyang kontrabida sa television series na Marry Me, Marry You.
Ano ang mga payo sa kanya ni Angel?
Sagot ni Iana, “Ang payo naman niya sa akin lagi is owning the space when I’m in the scene kasi medyo mahiyain pa ako.
“So I have to own my space, own my character, and just be sincere as much as possible. Yun ang mga payo niya sa akin.”