PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford, pasok sa quarterfinals ng "Danse avec les stars"

Billy Crawford, itinuturing na "number one attraction" sa Danse avec les stars.
by Jojo Gabinete
Published Oct 22, 2022
billy crawford fauve hautot
Pasok na si Billy Crawford at Fauve Hautot sa quarterfinals ng dance competition na "Danse avec les stars" matapos nilang mag-perform ng tango.

Sa November 11, 2022 ang grand finals ng Danse avec les stars (Dancing With the Stars).

Nagkakaisa ang karamihan sa mga sumusubaybay sa sikat na dance TV show sa France na malaki ang tsansa na si Billy Crawford ang manalo.

Siya pa rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa episode nitong Biyernes ng gabi, October 21 (Sabado ng madaling-araw, October 22 sa Pilipinas).

Patuloy ang pamamayagpag ni Billy sa France dahil 20 ang pinakamataas na puntos na ibinigay sa kanya ng mga hurado ng Danse avec les stars para sa tango dance nila ng kanyang kapareha na si Fauve Hautot.

Dahil dito, pasok na si Billy sa quarterfinals.

Tulad ng kanyang mga nakaraang pagtatanghal, positibo ang mga komento sa pagsasayaw ni Billy ng tango.

Ito ang ilan sa mga papuring tinanggap ni Billy mula sa jury para sa kanyang performance sa Friday night episode ng Danse avec les stars na napapanood sa TF1 channel:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Only Billy Crawford remains, a class above his competitors."

“Every week you excel artistically."

"How are you going to do better every week?"

“It’s sharp, it’s chiade, it’s going too fast, I can’t see you anymore, I only see beauty."

Naglabas din ng artikulo ang TF1 tungkol sa Philippine pride.

Bahagi ng nakasaad dito: “Every Friday for six weeks, Billy Crawford has come to recall his name to those who had put it away in the memorabilia department.

“With his ease on stage and almost perfect French, the interpreter of 'Trackin' is the number one attraction of this 12th Season of Danse avec les stars.”

Noong nakaraang linggo, pinaratangan si Billy ng ilang French netizens na siya ang pinapaboran o paboritong contestant ng mga hurado ng programa. Pero napatunayan niyang walang katotohanan ang mga intriga dahil likas at mahirap pantayan ang kanyang talento sa pagsasayaw.

Read: Billy Crawford, patuloy ang pamamayagpag sa "Danse avec les stars"; iniintrigang paborito ng judges

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasok na si Billy Crawford at Fauve Hautot sa quarterfinals ng dance competition na "Danse avec les stars" matapos nilang mag-perform ng tango.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results