PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Perci Intalan, umaming nakaranas ng heterosexual relationship

Perci Intalan, inalala kung paano napasagot ang girlfriend noong high school.
by Jojo Gabinete
Published Oct 28, 2022
Perci Intalan
Proud member ng LGBT community si Perci Intalan (left and right), na ikinasal sa partner na si Jun Lana (without shades in right photo) noong 2013. Hiwalay na ang couple sa kasalukuyan. Pagbabalik-tanaw naman ni Perci sa kanyang kabataan, "And then, naaalala ko yung triumphant moment sa school fair, eto ako, kasama ko yung girlfriend ko, kasama lahat ng gay friends ko."
PHOTO/S: Perci Intalan Facebook / Web

Pinatotohanan ng producer at direktor na si Perci Intalan na halaw mula sa mga tunay na pangyayari ang bagong pelikula na kanyang ginawa, ang Mahal Kita Beksman.

Bida sa pelilkula sina Christian Bables at Keempee de Leon.

Ayon kay Perci, naranasan niya na makipagrelasyon sa isang babae.

"Pareho kami ni Jun na dumaan sa heterosexual relationship before," pagtatapat pa ni Perci tungkol sa similar experience ng award-winning director at ex-husband niyang si Jun Lana.

Si Perci ay kilalang miyembro ng LGBT community.

Pero nasubukan daw niyang manligaw at mapasagot ang isang babae noong nasa secondary education siya.

Pagtuloy ni Perci: "Interestingly, totoo yung sinabi ko sa isang post na medyo based on a true story ang Mahal Kita Beksman kasi noong high school ako, ang mga kaibigan ko puro bading.

"Lahat ng closest friends ko were gay and we’re in an all-boys school.

"And then, na-in love ako sa isang soiree and then nanligaw ako. Na yung mga tao, sinasabi nila, 'Teka muna, puro bading ang mga kaibigan niya?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And even the girl I was courting was aware of that. Tapos ang daming nanliligaw sa girl, napasagot ko naman siya.

"And then, naaalala ko yung triumphant moment sa school fair, eto ako, kasama ko yung girlfriend ko, kasama lahat ng gay friends ko."

"A STRAIGHT GUY COMING OUT IN A GAY WORLD"

Naging inspirasyon ni Perci ang kanyang heterosexual love story para gawin ang Mahal Kita Beksman.

"Dun nanggaling yung germ ng idea. Sabi ko, 'What if gumawa tayo ng reverse coming-out story?

"What if it’s a guy na lumaki na puro bading ang nasa paligid, na in-assume ng mga tao, in-assume ng society na bakla siya, na mare-realize nila na hindi. Paano mo tatanggapin iyon?

"Parang lesson na rin sa reverse, kapag it’s a gay guy coming out sa isang straight world, ganoon ang reaction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Baligtarin natin, what if it’s a straight guy coming out in a gay world?"

ON TAPPING CHRISTIAN AND KEEMPEE

Mag-ama ang mga karakter na ginagampanan nina Keempee at Christian sa Mahal Kita Beksman, at silang dalawa ang mga personal na pinili ni Perci na maging bida dahil alam nito na mabibigyan nila ng hustisya ang mga role na ipinagkatiwala sa kanila.

"We did handpick the cast," ang sabi ni Perci. "Importante sa akin na it’s Christian portraying the role of Dali kasi kuhang-kuha niya yung kailangan gawin, which is a guy na sincerely, malinaw sa puso niya kung ano ang kanyang gusto, and that’s Christian.

"As an actor and even as a person, Christian is a guy na we know na wears his heart on his sleeves. Kahit ano pa ang sabihin mo, ito ang nasa puso niya.

"Si Keempee naman, matagal na niya kaming fans ni Jun. Kailangan ko ng tatay na even if gay, flamboyant yung character, may puso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kailangan malinaw na he’s a caring loving father. Hindi mo kukuwestyunin yung pagiging tatay niya.

"May sasabihin siya na hindi madaling tanggapin, 'Hindi ka straight. Bakla ka!'

"Kung hindi maganda yung pagkaka-handle sa role, puwedeng mainis ka sa karakter, pero dahil si Keempee iyan, mamahalin mo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud member ng LGBT community si Perci Intalan (left and right), na ikinasal sa partner na si Jun Lana (without shades in right photo) noong 2013. Hiwalay na ang couple sa kasalukuyan. Pagbabalik-tanaw naman ni Perci sa kanyang kabataan, "And then, naaalala ko yung triumphant moment sa school fair, eto ako, kasama ko yung girlfriend ko, kasama lahat ng gay friends ko."
PHOTO/S: Perci Intalan Facebook / Web
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results