Napuno ng mga nagtitilian na fans ang Tektite Auditorium sa Pasig City noong Huwebes, October 27, 2022, nang ilunsad ng ALAMAT ang kanilang debut Extended Play album, ang Pasulong.
Ang ALAMAT ang makabayan na Pinoy pop boyband na binuo ng award-winning director na si Jason Paul Laxamana, at pinuri ng The Guardian ng United Kingdom dahil sa pagsusulong nila ng kultura ng ating bansa sa pamamagitan ng kanilang musika.
Anim ang mga miyembro ng ALAMAT: sina Tomas, Jao, Mo, Taneo, Alas, at R Ji na kumakatawan sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas na mapapansin sa kanilang mga pananamit sa tuwing nagtatanghal sila.
READ: Alamat members learn Chavacano for cover version of "Porque"
Ang R&B-flavored dance track na "Aswang" ang carrier single ng Pasulong.
Si Jason Paul ang sumulat ng lyrics ng "Aswang" na hindi mahirap para sa kanya dahil mahusay siya sa pagsusulat ng kuwento ng mga pelikula na ginagawa niya.

Akmang-akma para sa Halloween ang paglulunsad ng "Aswang" at ibang mga kanta sa Pasulong album, kabilang ang "Hala," "Gayuma," "Say You Love Me," at "ILY, ILY," na may special participation ni Lyca Gairanod.
"Sobrang fulfilling na makita yung hard work namin slowly paying off," ang sabi ng ALAMAT member na si Tomas.
Si Tomas ay kilala rin bilang dating housemate ng Teen Edition ng Pinoy Big Brother 737 at ginamit noon ang kanyang tunay na pangalan na Franco Rodriguez.
"Our worries have turned into excitement after completing our first EP. Naalaala ko pa dati yung checklist ni Direk Jason na dapat namin ma-accomplish.
"Sabi ko sa isip ko, 'Kaya ba itong matapos sa ganito kaikli na time?'
"Natapos din, at kaya naman, pala basta may tiwala at nagtutulungan kaming ALAMAT and with the support of our fandom, Magiliws," ang dagdag na pahayag ni Tomas.
Ayon naman sa ALAMAT member na si Jao, ang oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya at kay Taneo ang choreography ng "Gayuma" ang isa sa mga high point ng kanilang creative journey para sa Pasulong album.
"That and being involved in songwriting for some of the songs is a fun experience. We are also happy to be executing ideas with our creative director Jason Paul Laxamana and being involved overall with the artistry in ALAMAT."
Ilang oras matapos ang celebratory launch at release ng Pasulong noong October 27, umakyat sa number one position ng iTunes Philippines ang debut album ng ALAMAT kaya nadagdagan ang kaligayahan na nararamdaman nina Mo, Alas, Jao, Taneo, Tomas, at R Ji dahil napakaganda ng kapalit ng kanilang mga pagsisikap.
MORE STORIES:
- Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”
- Yuvna Rinishta of Mauritius resigns as Miss Grand International 2022 5th runner-up
- K Brosas moves into new house; remembers "milyon ang nawala" from past contractor