Nag-umpisa noong Biyernes, October 28, 2022 ang streaming ng Selina’s Gold, ang sexy drama period movie na pinagbibidahan ni Angeli Khang, at ito ngayon ang number one sa Top 10 movies ng Vivamax.
Kasali rin sa listahan ng Top 10 contents ng Vivamax ang tatlong pelikula ni Angeli, ang Taya, Mahjong Nights, at Girl Friday.
Dahil dito ay posibleng magbago ang nais niya na mabawasan na ang mga sexy scene sa mga proyekto na ibinibigay sa kanya.
Sa nakaraan na digital media conference ng US x Her, ipinagtapat ni Angeli na pakiramdam niya ay nagsasawa na ang mga tao sa kanyang hubad na katawan kaya gusto niya na mabigyan siya ng wholesome movie projects.
Ang apat na pelikula niya na kasali sa Top 10 movies ng Vivamax ang patunay na tinatangkilik pa rin ng mga tao ang sex movie projects ni Angeli, na mas matindi ang mga paghuhubad na ginawa sa Selina’s Gold.
Hindi lamang ang mga nude at love scene nina Angeli, Jay Manalo, at Gold Aceron sa Selina’s Gold ang mapupusok dahil brutal at erotiko ang mga linya nila tungkol sa pakikipagtalik at sa mga pribadong bahagi ng katawan.
Pero nangibabaw pa rin ang kanilang mahusay na pag-arte.
- Angeli Khang, wish mabawasan ang sexy scenes sa pelikula; AJ Raval, no-show sa presscon
- Angeli Khang at Jela Cuenca, mas kumportable sa girl-to-girl love scenes
- Angeli Khang will not stop doing sexy roles until she wins acting award
A MOVIE CONCEPTUALIZED 15 YEARS AGO
Si McArthur "Mac" Alejandre ang sumulat ng kuwento at direktor ng Selina’s Gold.
Mahigit sa dalawang dekada nang iniingatan ni Mac ang script ng Selina’s Gold na ngayon lamang naisalin sa pelikula kaya naniniwala siya na talagang para kay Angeli ang proyekto.
"Ang Selina’s Gold ay isang kuwento na pinitch ko bago ko pa ginawa ang Sukdulan," ani Mac.
Ang Sukdulan ay ang launching movie ni Katya Santos noong 2003.
Patuloy ni Mac, "Tandang-tanda ko, itong Selina’s Gold, pinitch ko over 15-years ago kay Vincent del Rosario at pareho naming gusto.
"Mula noon, hindi na namin nakalimutan, [pero] alam namin na hindi puwedeng gawin at that time.
"So nung dumating ang Vivamax, sabi ni Vincent sa akin, 'Mac, naalaala mo yung kuwento mo? Yung tungkol sa panahon ng Hapon? Ire-pitch mo nga?'
"So ipinitch ko uli at tinanggap nila. This is a material na mahigit nang ilang dekada na nasa akin at ang germ ng idea ng Selina’s Gold ay nabubuo, college pa lang ako sa University of the Philippines.
Inilarawan naman ni Mac ang tingin niya kay Angeli bilang artista.
"Magaling si Angeli. May gift siya. Ang numero unong armas ng isang artista, sa palagay ko ay puso na marunong at sensitive sa iba’t ibang uri ng emosyon.
"Yun ang nakita ko sa unang pag-uusap namin ni Angeli kahit hindi pa kami nagsisimula sa Silip sa Apoy.
"After Silip sa Apoy, we did a series together and Selina’s Gold was really meant for her.
"Mas mahirap ang role niya sa Selina’s Gold compared sa Silip dahil mas malaki ang demand," lahad ni Mac.
Maaaring isa ito sa mga huli na sexy movie project ni Angeli kapag pinanindigan nito ang kagustuhan na bawasan na ang pagpapakita sa pelikula ng kanyang hubad na katawan.