Ang Instagram post ni Miss Grand Philippines Roberta Tamondong tungkol sa announcement video na siya ang appointed 5th runner-up ng Miss Grand International 2022 ang pagpapatunay na tinanggap niya ang desisyon ni Nawat Itsaragrisil, founder at presidente ng Miss Grand International Organization.
Balewala ang pakiusap ng Pinoy pageant fans sa 20-year-old beauty queen na huwag tanggapin ang para sa kanila ay isang pampalubag-loob na karangalan.
Read: Roberta Tamondong appointed Miss Grand International 2022 5th runner-up
Tila kapalaran na ni Roberta maging appointed winner dahil siya rin ang appointed candidate sa Miss Eco Teen International noong December 2020.
Sa kabila ng pasya ni Nawat na bigyan ng puwesto si Tamondong sa 10th Miss Grand International, hindi natuwa ang Pinoy beauty pageants fans.
Patuloy ang lantarang pagbatikos kay Nawat at sa international beauty contest na pinaratangang isang "cooking show" kaya nabawasan ng dalawang milyon na taga-subaybay sa social media.
Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation
Malakas ang panawagan ng Filipino beauty pageant aficionados sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), ang may hawak ng franchise ng Miss Grand International, na huwag nang magpadala ng mga kandidata sa beauty contest na pinamumunuan ni Nawat na inaakusahan din ng favoritism.
Hindi na sinusubaybayan ng BPCI ang Instagram account ng Miss Grand International.
Ikinatuwa ito ng Pinoy pageant fansa dahil, para sa kanila, nangangahulugan iyon na hindi na sinusuportahan ng BPCI ang nabanggit na beauty contest.
May kumakalat na balita na, diumano, kukunin ng Miss World Philippines (MWP) Organization ang franchise ng Miss Grand International kaya malaki ang tsansang ang MWP National Director na si Arnold Vegafria na ang magpapadala ng kandidata para sa Thailand-based beauty pageant.
Nagpunta si Vegafria sa West Java, Indonesia para sa final show ng 10th Miss Grand International bilang pagpapakita niya ng suporta kay Roberta, na isa sa mga alaga ng ALV Talent Circuit, ang kanyang talent management agency.

Si Roberta ang appointed candidate ng Miss World Philippines sa Miss Eco Teen International na ginanap sa Egypt noong December 2020 at siya ang mapalad na nag-uwi ng korona.
Nagkita sina Nawat at Vegafria sa Indonesia at pinaniniwalaang nag-usap sila tungkol sa posibilidad na mapasakamay ng Miss World Philippines ang prangkisa ng Miss Grand International.
Maaaring ito ang dahilan kaya si Roberta ang piniling appointed 5th runner-up ng Miss Grand International 2022.