Ngayong Biyernes, November 4, 2022, ang ika-25 na kaarawan ng former Kapuso star na si Bea Binene.
Read: Bea Binene, lumipat na sa Viva Artists Agency; magiging Kapuso pa rin kaya?
Maituturing nitong isang regalo ang unang proyekto na gagawin niya sa kanyang bagong home studio, ang youth-oriented series na The Rain in España na halaw isang sikat na Wattpad university series.
Kabilang si Bea sa mga ipinakilala sa media conference para sa cast reveal kahapon, November 3.
Read: Pagbibida nina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa "The Rain in España," trending sa social media
Pinagpala ang kanyang pakiramdam dahil bisperas ng kaarawan niya nang maganap ang announcement ng Viva Films.
“I feel very blessed because I just signed with Viva. A few weeks after, they called me for script reading and then, a few days after, nag-send na sila ng schedule.
“Parang, 'Ay, talaga? Agad-agad?' Nakakatuwa naman, sobrang blessing talaga so sobrang na-excite po ako,” kuwento ni Bea tungkol sa reaksiyon nito nang malaman niya na kasali siya sa mga bida ng The Rain in España.
Alam ni Bea na marami ang nagbabasa at tagahanga ng Wattpad university series ng young author na si Gwy Saludes kaya may nararamdaman siyang kaba at pressure.
Aniya, “Yung pressure and yung nervousness is always there because for me, number one, this is my first project outside of my network before.
“Malaki yung pupunuan namin dahil marami talagang expectations. Kumbaga, may iba’t ibang imaginations, may iba’t ibang ideas yung readers about our characters, so siyempre nandoon.
"We have to really do a good job and give justice to the role."
Sa kabila ng kanyang deklarasyong “Good things are really coming,” hindi ipinagkaila ni Bea na ikinalungkot nito ang katotohanang bihira na silang magkikita ng kanyang mga kaibigan sa GMA-7 dahil sa paglipat niya sa Viva Artists Agency.
“Siguro nga mas malungkot kasi hindi na kami magkikita. Wala naman akong regular show doon, so hindi kami masyadong magkikita.
"Pero we make sure na nagkikita pa rin kami outside work and they’re happy for me. Nakakatuwa!” sabi ni Bea.